Thursday , July 7 2022

Ogie, aminadong over protective sa anak na si Leila

KUNG mayroon mang isang tao na malaki ang kontribusyon sa local music industry ‘yun ay walang iba kundi ang nag-iisang OPM icon na si Ogie Alcasid.

Kung ilang dekada na nga ang itinakbo ng kanyang career bilang isang magaling na kompositor at magaling na mang-aawit. Kung hindi kami nagkakamali, halos 20 album na ang nagawa ng multi-awarded artist na at umami na rin ng maraming tagumpay sa kanyang mga album na nakapagtala ng Gold, Platinum, at Double Platinum kaya naman hanggang ngayon ay ‘di pa rin napupukaw ang kinang at patuloy pa ring tinatangkilik..

OPM icon Ogie, makes another soaring move as a Kapamilya as he launches his debut album under Star Music entitled NakakaLokal na kakaibang collaboration kasama of course ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

“Mas maganda ang tunog ng isang kanta kapag kasama ang orchestra kasi maraming hindi nagagawa ang makina, ang software na nagagawa ng orchestra. One of my biggest dreams was to work with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra and it was a blessing na pumayag sila,” kuwento ni Ogie nang makapanayan namin siya sa mall tour niya Robinsons Magnolia.

Sa mall show, surprise guest nito ang very supportive wife na si Regine Valasquez na nagpamalas ng mga awiting classic hits. Nag-duet ang couple at kinanta nila ang Kailangan Ko’y Ikaw at Hanggang Ngayon na umani ng palakpakan.

Puring-puri ni Ogie ang kanyang wife sa pagiging supportive nito sa kanyang career.

“Nakakawala ng nerbiyos kapag nandiyan sila, ‘yung suporta nila. Alam kasi niya ‘yung pinagdaanan ko eh noong ginagawa ko itong album na ito.

“Wala na kong mahihiling pa pagdating kay Regs talagang mapagmahal na asawa at very understanding sa lahat ng bagay. Tanggap niya lahat sa buhay ko, magkasundo sila niyong mga anak ko kay Michelle (Van Eimeren) at kung gaano ko kamahal ang mga anak ko ganoon din ‘yung ipinakikita niya.”

Napag alaman din namin kay Ogie na very strict siya pagdating sa kanyang mga anak lalo na kay Laila na sumabak na rin sa magulong mundo ng showbusiness. Ngayon ay contract star na rin ng Star Magic at model ng Bench ang dalaga.

“Nagulat din ako sa sarili ko, ‘yung pagiging istrikto ko sa kanila pero siyempre mahal ko sila. Over protective lang siguro ako lalo na kay Leila. Naghihigpit lang ako dahil si Leila prinsesa ko ‘yan kasi nakaranas na siya before ng relationship so, ngayon kung may manliligaw sa kanya, ako ang kailangang kausapin. And so far hindi naman niya ako sinusuway.

“Sa akin walang problemang manligaw hindi maiiwasan ‘yan eh, ‘yung sa akin bilang magulang kailangan ‘yung alam namin. Nangyari na ‘yun actually na may tumawag sa akin. Alam mo na niloloko tayo ‘yan eh,’ sabay iling ni Ogie.

“Natutuwa naman ako at nakuha ko ‘yung respeto niya sa akin bilang ama. Sa ngayon busy siya sa workshop sa Star Magic at maraming kumukuhang endorsement sa kanya. Lahat ng bagay na nangyayari kay Leila ipinaalam ko kay Michelle bilang respeto sa kanyang ina. Pagdating naman kay Regs ‘di siya nakikialam sa personal na buhay ni Leila, sa pagdadamit lang,” pagtatapos ni Ogie.

ni RICO MIRANDA

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang Ella Cruz

Pokwang binuweltahan ng fans ni Ella  

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN pero nabatikos din si Pokwang sa komento niya sa statement ni Ella Cruz na “history …

Blind Item, male star, 2 male, gay

Beki handang suportahan si male star ‘pag mawalan ng trabaho

ni Ed de Leon NAGSABI naman daw ang isang bading na ka-on din yata ng isang male star na …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Euriz Sagum John Rey Malto

Euriz Sagum, handa na sa mundo ng showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI Euriz Sagum ay 18 taong gulang at kasalukuyang gumagawa …

Leave a Reply