Thursday , March 30 2023
the who

Ang mala-kontrabidang peg ni senadora bow

 

THE WHO si Madam Senadora na bukod daw sa certified ‘maldita’ ay ‘switik’ pa?

Tip ng Hunyango natin, para raw siyang nakapanood ng teleserye sa ginawang pananakit ni Madam sa isang empleyada nila.

Kuwento sa atin, minsan habang nasa opisina ang magaling na Senadora pumasok ang Executive Staff ng kanyang asawa at nakalimutang mag-excuse.

Aba ang tinamaan ng magaling, pinagsa-sabunutan at sinampal-sampal ang kawawang empleyada na napaiyak na lamang.

Ganyan ang ugali nitong si Madam na parang “chakang viking.” Opo ang fanget na Viking.

Bilang patunay riyan, minumura raw ni chakang viking ang mga empleyado niya na blue collar job ang nature ng trabaho kapag marumi o pangit ang uniporme!

Anak ng pitong demonyo, Madam, blue collar job nga e natural marurumihan talaga!

Ang gusto yata naka-barong o naka-long sleeves habang nasa arawan at maalikabok na lugar ang mga empleyado ninyo?!

Utang na loob!

At hindi nga lang ‘yan dahil bukod sa pagiging maldita ay napakagulang pa raw ng public servant kuno dahil kinakaltasan niya ng contribution sa SSS at Philhealth ang mga trabahador pero hindi inire-remit?!

Violations ‘yan Madam Senator!

Kilalanin kung sino si Madam Senadora Malditas…

Habang hinhulaan ninyo, kakain muna ako ng unli-rice habang hindi pa bawal!

THE WHO? Scandal – ni Jeth Sinocruz

About Jethro Sinocruz

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Magic trick sa asukal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BATAY sa pinakahuling imbentaryo ng mga kaso na inilabas …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng …

Dragon Lady Amor Virata

Transport strike tinabla dahil sa magugutom na pamilya

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI naparalisa at nabigong makakuha ng malaking suporta ang …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Target: Mga lokal na opisyal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MISTULANG mga langaw na isa-isang bumabagsak ang mga lokal …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *