Friday , May 17 2024

Nora, nakimartsa sa Here Again

SUMAMA si Nora Aunor sa 2017 Metro Manila Pride March noong June 24 na ginanap sa Marikina City Hall’s Plaza Delos Alcaldes na ang tema ng okasyon ayHere Again. Dinaluhan ng mga LGBT member ang  okasyon.

At bago natapos, inamin ng Superstar na kaya siya kasamang nagmartsa ay dahil kinukunan siya ng mga eksena para sa ginagawang pelikula ukol sa LGBT.

Aniya, ang ginagampanang papel ay isang lesbiana na may anak na bading at ‘yung pagma-martsa niya kasama ang mga bakla at lesbiana ay parte ng pelikula. ”Huwag naman nating isipin na gamitan ito, parte lang talaga ito ng pelikula at ang tamang panahon at lugar na magsu-shoot ay doon sa parada,” paliwanang nito.

Sa ginawang talumpati ng Superstar, inihambing nito ang tao sa isang makulay na bahaghari na maraming kulay at magkakaiba. Lahat  ay pantay-pantay at may karapatang umibig sa kung sinuman, anuman ang kanyang kasarian.

“Gawin nating umibig at pakasal sa kung sinuman ang ating napupusuan at walang ibang puwedeng pumigil sa lahat ng nararamdaman natin sa laban nating nagmamahal,”  pahayag nito.

Sa puntong ito, maraming nagulat nang pagkatapos nagbigay ng  mensahe, may nakitang bahaghari sa langit as in, nakiisa sa paniniwala ng nag-iisang Superstar.

Matatandaang nakagawa na si Nora ng pelikulang may kinalaman sa bakla at lesbiana tulad ng T-Bird at Ako kasama si Vilma Santos noong 1982.

“Maliban po sa makiisa sa inyong pinakamimithi at inyong nararamdaman, dapat ipakita sa lahat ng tao na dapat ipagmalaki natin kung ano tayong lahat at walang iba kundi pantay-pantay, walang bakla, walang tomboy, walang babae, walang lalaki. Ipagmalaki natin kung anong nararamdaman natin bilang isang tao,”pangwakas nito.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira ‘di naiwasang ‘madala’ sa kanya-kanyang role

MAGANDA na talaga ang tila balik-normal na activity ng mga tao lalo na ‘yung mahihilig …

Karla Estrada family

Karla deadma sa panlalait: mga anak bunga ng pagmamahal 

MATABILni John Fontanilla MANHID na ang TV host/actress, Karla Estrada sa panlalait ng ibang tao sa kanya …

Kelvin Miranda Kira Baringer

Kelvin sa totoong relasyon nila ni Kira: Hindi naging kami, sobrang komportable lang sa isa’t isa

MA at PAni Rommel Placente SA May 29, Wednesday, ipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang Chances …

Boss Toyo Niño Muhlach 

Nino ibinenta FAMAS  trophy ng P500K 

MA at PAni Rommel Placente KUNG si Jiro Manio ay ibinenta kay Boss Toyo ang Urian Best Actor trophy …

Prince Keino Noreen Divina

Prince Keino nakiisa sa outreach program ni Nailandia owner Noreen Divina

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL matalik na magkaibigan ang Nailandia owner na si Noreen Divina at talent …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *