Sunday , May 19 2024
shabu drug arrest

5 tiklo sa buy-bust

LIMA katao, kabilang ang isang menor-de-edad, ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City, kahapon ng tanghali.

Kinilala ni NPD director, Chief Supt. Roberto Fajardo ang mga suspek na sina Allan Varga, 35, maintainer ng drug den; Leonardo Villegas, 33; Criselda Clarino, 34; Alfredo Santiago, 42, at isang 16-anyos out-of-school youth (OSY).

Batay sa ulat ni PO2 Jerome Pascual, dakong 11:30 am nang maaresto sa Morong St., Brgy. 30, Maypajo, ang mga suspek na sina Varga, Villegas, Clarino at Santiago habang nagbebenta ng shabu sa isang poseur buyer sa halagang P500.

Nabisto ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang nasabing drug den sa Morong St., at naaktohan ang 16-anyos binatilyo habang gumagamit ng shabu. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *