Thursday , June 4 2026

Atleta, mananayaw hinimatay sa Palarong Pambansa (Suplay ng pagkain para sa atleta sa palaro limitado?)

KASAMA ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sina The Voice Kids Grand Winner Joshua Oliveros, tennis player Marian Jade Capadocia, Palarong Pambansa legend Elma Posadas at ang kanyang asawang si Jorge sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2017 opening sa Binirayan Sports Complex sa Antique kahapon. (ACE MORANDANTE/PRESIDENTIAL PHOTO)
KASAMA ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sina The Voice Kids Grand Winner Joshua Oliveros, tennis player Marian Jade Capadocia, Palarong Pambansa legend Elma Posadas at ang kanyang asawang si Jorge sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2017 opening sa Binirayan Sports Complex sa Antique kahapon. (ACE MORANDANTE/PRESIDENTIAL PHOTO)

ANTIQUE — Ilang manlalaro at mananayaw ang nanghina at hinimatay dahil sa matinding init, sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2017 sa San Jose de Buenavista, Antique nitong Linggo.

Hindi kinaya ng mga atleta mula sa iba’t ibang rehiyon ang init sa track and field oval ng Binira-yan Sports Complex, habang nakapuwesto sa gitna ng field sa pagpapatuloy ng programa.

Wala pang ibinibigay na datos ang medical team hinggil sa insidente.

Kinailangan ilipat ang ibang mga biktima sa ka-lapit na gusali upang doon gamutin nang hindi na sila magkasya sa tent na itinayo sa gilid ng sports complex.

Bukod sa ilang mga atleta, may ilang miyembro ng Antique Dance Sports ang dinala sa mga ambulansiya upang big-yan ng agarang atensiyon. Isa ang grupo sa nagtanghal sa pagbubukas ng Palaro.

Inilipat ang mga atleta sa bleachers ng sports complex upang sumilong para hindi na madagdagan ang bilang ng mga nanghihina at hinihimatay.

SUPLAY NG PAGKAIN
PARA SA ATLETA
SA PALARO LIMITADO?

BAGUIO CITY – Problema ng delegasyon ng Cordillera, na kalahok sa Palarong Pambansa 2017, ang limitadong suplay ng pagkain sa lalawigan ng Antique.

Sinabi ni DepEd-Baguio sports coordinator Fernando Eleponga, limitado ang suplay ng pagkain doon kaya lahat ng palengke ay pinupunta-han nila upang makabili ng mailulutong pagkain ng mga atleta.

Bukod dito, malaking bagay ang hiwa-hiwalay na playing venues dahil ang ibang laro ay gaganapin sa ibang mga gusali at hindi sa nasasakupan ng sports area.

Gayonman, sinabi ni Eleponga, aktibo ang mga opisyal at kinauukulang personnel doon, dahil kontrolado nila ang lahat ng bagay tulad ng transportasyon upang hindi gula-ngan o itaas ng mga driver ang pasahe ng mga delegado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …