LJ, gustong makatrabaho ang ilang aktor mula Kapamilya

TWELVE years nang talent ng GMA 7 si LJ Reyes pero wala pa rin siyang planong iwan o umalis sa Kapuso Network. Mananatili siyang loyal dito.

Napapansin naman  kasi niya na naaalagaan ang kanyang career, na hindi naman siya pinababayaan.

Pero kahit walang plano na mag-ober-da bakod sa Kapamilya Network, dream din naman ni LJ na makatrabaho ang ilang mga aktor nito.

MA at PA – Rommel Placente