Thursday , June 4 2026

Mahusay na aktres, posibleng mapatalsik sa ahensiyang pinaglilingkuran

NANGANGAMBA ang tiyahin ng isang mahusay na aktres na posibleng mapatalsik sa isang ahensiya ng gobyernong matagal-tagal na rin nitong pinaglilingkuran.

Ewan kung ang nagbabadyang dahilan ay sa pagkadagdag ng bago nitong kaopisina na kamakailan lang naupo sa puwesto.

Pero duda raw ng aktres, hindi kaya ang magkasalungat na paniniwalang ispiritwal ng taong nag-appoint sa bago nitong makakasama sa tanggapan ang dahilan?

Kung totoo ito’y nakalulungkot isipin na mababalewala ang dedikasyon ng aktres sa kanyang trabaho gayong maayos naman niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin.

At dahil lang ba sa paniniwalang ispiritwal ng aktres na kaiba sa taong nag-appoint sa bago nitong katrabaho ang ugat ng pagpapatalsik sa kanya?

Da who ang aktres na afraid sa posibleng mangyari sa kanya? Itago na lang natin siya sa bulaklak na alyas na Gladiola Rosal. (Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …