Friday , May 17 2024
Sipat Mat Vicencio

NDF di dapat magtiwala kay Sec. Bello

MALAMANG na mabigo lamang ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front (NDF) at Philippine government (GPH) kung hindi rin lang sisibakin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Chief negotiator nitong si Labor Sec. Silvestre Bello III.

Sinungaling si Bello, kaya hindi dapat pagkatiwalaan ng NDF. Alam ng NDF na gagamitin lamang ni Bello ang kanyang kasanayan sa pagsisinungaling at walang gagawin sa kanyang pakikipag-usap kundi paikutin ang mga usaping kanilang tatalakayin.

Hindi pa ba sapat ang ginawang paghuhudas ni Bello sa mga manggagawa sa usapin ng contractualization? Sa halip kasing kampihan ni Bello ang mga manggagawa, ipinagkanulo niya sa mga kapitalista.

Kung matatandaan, si Bello mismo ang nagsabing ititigil na niya ang contractualization pero hindi niya ito ginawa, at ang masakit nito ay naglabas siya ng Department Order 168 na higit na nagpapatibay sa usapin ng contractualization.

Kaya nga, kung ako sa pamunuan ng NDF, hihilingin ko kay Digong na palitan na niya si Bello at pumili ng isang negosyador na may integridad at hindi isang sinugaling. Walang patutunguhan ang peace talks habang naririyan si Bello para katawanin ang gobyerno ng Filipinas.

Dapat ding manawagan ang mga manggagawa sa NDF at kay Digong na huwag nang payagan si Bello na manatili bilang chief negotiator ng GPH panel dahil wala siyang kredibilidad at naghudas sa mga obrero.

Kailangan ding mag-ingat ang NDF sa negosasyon hinggil sa pagpapalaya sa political prisoners dahil malamang puro pangako at paikot lamang ang gawin ni Bello, at sa kalaunan ay matatanda at may sakit lamang na political prisoners ang irerekomendang palayain ni Bello.

Hindi ba si Bello rin ang chief negotiator para sa gobyerno noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo?  Ang tanong, meron bang magandang resultang nangyari sa pakikipag-usap ni Bello sa NDF?

Halos wala, dahil sa halip matigil ang karahasan sa mga kanayunan, lalo lamang dumalas ang ambuscades ng NPA, at lumubha lamang ang giyera sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde.

Sapat nang batayan ang ginawang panloloko ni Bello sa  mga mangggawa sa usapin ng contractualization kaya marapat lamang na hilingin ng NDF kay Digong na sibakin siya bilang GPH chief negotiator.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Tiyak na sibak si Sen. Bato sa eleksiyon

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung inaakalang manananalo pa siya …

YANIG ni Bong Ramos

Total ban sa sigarilyo, vape atbp nakapipinsalang produkto iminungkahi

YANIGni Bong Ramos IMINUNGKAHI kamakailan ng magkapatid na Senador Pia Cayetano at Senador Alan Peter …

Dragon Lady Amor Virata

Korek na korek Senador Bong Go

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KAMAKAILAN sa Senado, tinalakay ni Senator Bong Go ang …

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *