Thursday , December 7 2023

Nasaan na ang showbiz drug list?

BAKIT hanggang ngayon ay hindi pa rin inilalabas ng Philippine National Police (PNP) ang final list ng showbiz personalities na sangkot sa ipinagbabawal na droga?

Simula nang pumutok ang isyu sa pagkakasangkot ng celebrities sa illegal drugs may ilang buwan na ang nakararaan, bakit wala na tayong narinig na bagong balita tungkol dito ngayon.

Kung hindi nasa validation process, kesyo nagsasagawa pa raw sila ng masusing imbestigasyon para masiguro na ang mapapangalanan nilang showbiz personalities ay talagang sangkot sa droga. Katuwiran pa nitong si PNP chief Director General Bato dela Rosa, matamang pinag-aaralan nila ang intelligence information na kanilang nakalap.

Pero ang malungkot nito halos anim na buwan ang sinasabing listahan ng celebrities na nasa drug list pero bakit hanggang ngayon hindi nila ito maisapubliko.  Unfair naman yata ito sa mga naunang natukoy o napangalanan na mga personalidad na sangkot sa droga.

Nauna nang sinabi ni NCRPO Chief Supt. Oscar Albayalde na umaabot sa 54 showbiz personalities ang pasok sa illegal drug trade, pero ‘di naman nila matukoy.

Napakalakas naman yata ng celebrities kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at hindi maipag-utos na ilabas na ang nasabing final list ng mga celebrity na sangkot sa droga.

Meron bang malaking pagkakautang si Duterte sa influential celebrities?

About hataw tabloid

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Aral-aral din pag may time, Sen. Risa!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata TOTOO nga ang kasabihang “birds of the same feather …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors sa Blumentrit, nag-iiyakan sa tara

YANIGni Bong Ramos NAG-IIYAKAN umano ang mga vendor sa buong palengke ng Blumentritt dahil ‘tara’ …

Sipat Mat Vicencio

Makabayan bloc ‘nabudol’ ni Tambaloslos

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang Makabayan bloc kung inaakalang ang kanilang ginawang pangangalampag sa Kongreso …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

LTO, kailangan ang PNP vs colorum PUVs

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DAPAT papurihan si Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor …

Dragon Lady Amor Virata

 ‘Olats’ sa BSKE ‘di pabor kay mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIRAP manalo sa eleksiyon kung hindi ka sa panig …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *