rape

14-anyos buntis hinalay ng encoder

ARESTADO ang isang 24-anyos encoder makaraan halayin ang kapitbahay niyang 14-anyos buntis sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD) – Station 1 (Raxabago), dakong 2:00 am kahapon nang maaresto ang suspek na kinilalang si Jayman Daguy sa kanyang bahay sa Tondo.

Batay sa reklamo ng biktima, dakong 10:15 pm kamakalawa, nang pasukin siya ng suspek at gahasain habang mag-isa sa loob ng kanilang bahay.

Agad nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

(LEONARD BASILIO)