Monday , September 25 2023
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Liars ‘este lawyers ng drug lords binantaan ni Pres. Digong

“DAPAT maunawaan ng mga abogado ang role of law at hindi laging naka-focus sa rule of law.”

Ito ang paalala ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga abogado na inuupahan ng mga pinaghihinalaang drug lords para ipagtanggol sila sa korte.

Sinabi mismo ng Pangulo na nakapagpipiyansa ang mga pinaghihinalaang drug lords dahil umuupa sila ng mga abogadong de campanilla.

Siyempre dahil kayang maglagay ‘este magbayad nang mahal ng mga pinaghihinalaang drug lords, kaya ginagawa nila ang lahat para ma-delay ang prosekusyon at kahit submitted for resolution na ang kaso ‘e nakagagawa pa ng paraan ang mga abogado.

Ganyan daw kahuhusay ang mga abogado na ‘yan.

A person of authority pagdating sa ganyang bagay si Pangulong Digong kasi nga dati siyang fiscal.

Klaro naman ang ibig sabihin ng Pangulo, ang role of law o papel ng batas sa isang lipunan ay para magkaroon ng kaayusan.

Hindi ‘yung ginagamit nila ‘yung ‘rule of law’ para makalusot ang kanilang mga kliyenteng drug lords.

121216-duterte

Anyway, mukhang marami naman daw ang natakot sa mga ‘abogadong’ gustong arkilahin ng mga pinaghihinalaang drug lords kaya marami sa kanila ay hindi na tumatanggap ng kaso.

Mahirap na nga namang matulad kay Atty. Rogelio Bato, Jr.

Kung naaalala pa ninyo mga suki, si Atty. Bato ang sinabing abogado ng umaming drug lord na si Rolando “Kerwin” Espinosa, Jr., na pinaslang sa Tacloban City.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nalulutas ang pagpaslang kay Atty. Bato.

Palagay natin e hindi naman sa pagpaslang kay Atty. Bato natakot ang liars ‘este lawyers.

Palagay natin ‘e mas tiningnan ng mga nasabing abogado na tama ‘yung sinasabi ng Pangulo.

At nakikita nila kung gaano kaseryoso ang administrasyong Duterte sa pagsusulong ng anti-illegal drug war.

Por delicadeza at para sa bayan ‘e mag-inhibit sila o kaya ay huwag nang tumanggap ng hahawakang asunto mula sa mga pinaghihinalang drug lords.

Ipaubaya na nila ‘yan sa piskalya at sa Public Attorney’s Office (PAO).

Alleged drug lords lawyers, anyone?!

P1,000 muna hanggang
Disyembre 2019
P2,000 SSS PENSION
APRUB SA KAMARA
AT SA SENADO

090816-sss-congress-kamara

YES!

Aprubado na sa Kamara at sa Senado ang Joint Resolution sa ilalim ng Social Security Act of 1997 (Republic Act No. 8282) ang karagdagang P2,000 sa pension ng mga benepisaryo.

Pero hindi ito matatanggap nang isahan. Mauuna ang karagdagang P1,000 epektibo ngayong Disyembre 2016 at ang natitirang P1,000 ay matatanggap sa Disyembre 2019.

‘Yun naman pala…

Puwede naman palang mangyari ang ganoon ‘e bakit sinalaula pa ng nagdaang administrasyon ni Abnoy ‘este PNoy!?

Hindi nilagdaan ni PNoy dahil ang sabi ng mga tuta ‘este appointee niya sa SSS baka raw maubos ang pondo.

Wattafak!

Paano mauubos ang pondo para sa 2.15 milyong pensioner kung ang aktibong miyembro ay 33 milyones?!

At saan napunta ang mga isinapi nila sa iba’t ibang insurance company?

Sa totoo lang, baka ang ikinatakot ng mga appointee ni PNoy e baka mabisto kung saan-saan nila ginagamit ang pondo ng SSS.

Napakalaki ng sahod na tinatanggap nila kahit wala naman silang ginagawa kundi magpalamig-lamig lang sa kanilang opisina.

And take note, may pabiyahe-biyahe pa kung saan-saan ang mga appointee ni PNoy pero wala namang naidagdag sa contributions ng SSS.

Isinangkalan lang talaga ang OFWs sa biyahe nila kasama ang pamila.

Kapal to the maxx!

Totoo talaga ang kasabihang kapag gusto maraming paraan, gaya ng ginawa ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Duterte.

Pero kapag ayaw, kung ano-ano ang idinadahilan na ginawa naman ng administrasyon ni PNot ‘este PNoy.

‘Yan ang hindi dapat kalimutan ng SSS members and pensioners.

Salamat po, Mahal na Pangulo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-utol na meyor may dementia o amnesia?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata BILIB na sana ako sa kasipagan ng magkapatid na …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

SIM card registration law ‘di kinatakutan ng scammers

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MUKHANG hindi natakot ang mga scammer sa SIM card registration law …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Confi at intel funds mahalaga kung gagamitin nang tama

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHALAGA para sa isang ahensiya ng pamahalaan ang pagkakaroon ng tinatawag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *