Friday , March 1 2024

Kris, namula at natulala nang matanong ukol sa paglabas nila ni Bistek

MARUNONG na talagang magtago ng sikreto si Kris Aquino pagdating sa personal niyang buhay dahil hindi niya ipinost sa IG account niya na lumabas sila kamakailan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na nakitang kumakain sa Chillis Restaurant.

Kaya naman natulala si Kris nang itanong sa kanya ang tungkol dito nang makausap namin siya noong Lunes ng hapon sa Trinoma Cinema 2 na nanood sila nina Vice Ganda, Josh, at Bimby ng The Super Parental Guardians.

Noong una’y hindi gaanong narinig ni Kris ang tanong kaya pinaulit niya at sabay sabing “grabe, namumula tuloy ako. Bakit sa APT (Entertainment) hindi ako tinatanong ng ganyan? Bakit sa ABS (CBN) may ganito kaagad?”

“Nagkamustahan kami, yes!  I think we’re friends,” saad ni Kris.

Narinig ni Vice kaya nagtanong siya kung sino ang pinag-uusapan, “sino ‘yan, sino ‘yan?”

Nangingiting sagot naman ni Kris, “’yung Mayor dito (Quezon City).” At tila lalong tinutukso ni Vice kaya natawa na lang ang una at sabay sabing, “hayaan mo nagtatanong sila, eh.”

Dahilan ni Kris kaya, “we’re friends, yes. I think we are friends, I think, we remain friends for the rest of our lives,” tipid na sagot ng mommy nina Josh at Bimby.

Sa tanong kung handa na bang magmahal ulit ni Kris, “No!” mabilis nitong sagot.

“Kasi ang dami kong inire-rebuild, so uunahin ko muna ‘yun. Unahin ko muna ‘yung trabaho, maraming parating at papasok kaya I should be at my best and 100% focus doon tapos ‘pag matatag na ‘yun. Doon siguro puwede,” pahayag ni Kris.

Payat ngayon si Kris at sadya raw siyang nagda-diet, “may shoot kasi ako bukas (kahapon) na food kaya gulay lang ang kinakain ko ngayon. Pinandigan ko talagang pumayat kasi hindi naman puwedeng si Vice lang ang pinag-aagawan ng boys.”

Gusto raw mapanood nina Josh at Bimby ang The Super Parental Guardians kaya tinanong ni Kris kung kailan ang availability niya at sinabi naman ng GGV host na noong Lunes.

Kuwento ni Kris, “ako ginawan ko talaga ng paraan na (manood) kasi sinabi mo (Vice) na today ka free dahil today mo puwedeng subaybayan ang panonood ni Bimb kasi sabi niya (Vice) marami siyang kailangang i-explain. Okay we are free today. Kaya we’re going to watch and enjoy and congratulations Coco (Martin).

Sabi naman ni Vice, “eh, kasi baka tanungin na naman ako niyong bata tapos nganga na naman ako, kaya rito na lang siya (kasama si Kris) at dapat may hindi siya naintindihan, ‘ask your mom.’

Sa unang palapag nagmula sina Vice at Kris kaya naman mahaba-haba ang dinaanan nila kaya nagbiro ang huli ng, “inaaway ko talaga siya (Vice) noong paakyat (escalator), sabi ko, ‘nagpasiklab ka talaga sa akin, lahat ng marshalls dala mo. Ipinaramdam mo talaga sa akin kung ano ‘yung iniwan ko,” natatawang kuwento ni Tetay.

Sabi naman ni Vice, “parang kang sira! Ewan ko sa ‘yo,” hirit naman ni Kris.

Dagdag pa, “tapos lahat kayo (staff ng ABS-CBN) full force, talagang ipinararamdam n’yo sa akin.”

Ganting sagot ni Vice, “ipinararamdam ko talaga kung ano ‘yung nami-miss niya.”

May chance pa bang magkatrabaho sina Kris at Vice? “Maraming chance, bakit hindi?” sagot kaagad ng SPG star.

Isa pang hirit ni Kris, “ako nga feeling ko at some point, siya (Vice) at si Vic puwedeng magkatrabaho, eh. Let’s look forward to that, why not? At saka pinayagan naman ako ni Mr. T (Tony Tuviera) to be here right now at dala ko rin ang crew ko, so ganoon. That’s friendship, that’s love.”

Sagot ni Vice ng, “yeah, that’s love and that’s real.”

Marami pa sana kaming gustong itanong kay Kris pero sumenyas na ang marshalls na magsisimula na ang palabas.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Sheryl Cruz Analyn Barro Jo Berry

Sheryl at Annalyn nag-sorry bago saktan si Jo Berry

I-FLEXni Jun Nardo BAGO pa man saktan ng Kapuso artist na si Annalyn Barro si little persona  Jo …

Luis Manzano Jessy Mendiola Vilma Santos Ralph Recto Edu Manzano

Ate Vi, Ricky Lee binigyang pagkilala ng CCP at St. Paul-QC

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN ang blended family nina Vilma Santos-Recto, asawang Sen. Ralph Recto, at anak na si Christian kasama …

Blind item gay male man

Young actor buking ni direk pagpapahada sa matandang showbiz gay

ni Ed de Leon PINAG-UUSAPAN nila ang isang matandang showbiz gay na para raw halimaw basta may …

Bea Alonzo Dominic Roque

Dahilan ng hiwalayan nina Bea at Dominic inilantad 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON unti-unting lumalabas na ang ibang detalye. Kasalukuyan daw palang gumagawa …

Coco Martin Ricky boy

Karga-kargang bata ni Coco na si Ricky Boy may potensiyal sumikat

HATAWANni Ed de Leon MAY nakita kaming picture ng isang poging batang lalaki na karga-karga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *