Saturday , September 24 2022

Gov’t agency chairman manunuba?

THE WHO si Chairman sa isang government agency na may dugong arsonista (raw) dahil sa ginawa niya sa kanyang kaibigan na matagal nang nagtiwala sa kanya?

E ‘di tumawag ng bombero para pabombahan ‘yan!

Ayon sa ating Hunyango, katulad daw ng “Venomous Scorpion” or in short VS kung ituring si Sir dahil sa naglahong parang bula na P300 milyon sa ipinamahalang kompanya sa kanya ni friendship.

Oh my my my! Friendship na nga e ginanun pa?!

Nangyari raw ang mga bagay na iyon noong naroroon pa si VS sa isang government agency na kinulapulan ng kontrobersiya dahil sa issue ng Indian pana kakana-kana.

Ngak ngak ngak ngak ngak!

Ang nangyari, dahil magkaibigan naman sila no’ng financier na friendship, itinuring na lang na utang umano ang perang nadispalko kung kaya’t araw at gabi siyang sinisingil.

Grabe naman araw at gabi talaga? May kapayapaan pa kaya siya?

Subalit, datapuwat, ngunit, hanggang sa kasalukuyan, habang siya na ang bida sa naturang Komisyon ay hindi pa rin daw nababayaran kahit isang kusing si friendship!

Aguy! Aguy! Aguy!

Pambihira ‘yan bida pa pala ngayon si Sir!.

Kapag sinisingil siya, ang dami raw idi-nadahilan, kesyo may sakit ang anak, kes-yo sira ang sasakyan, kesyo may problema raw siya sa pamilya.

Samantalang ang mga sasakyan niya ngayon ay puro mamahalin!

Hik hik hik hik hik.

Baka naman sa susunod na idahilan niyan wala siyang pang-gas sa mga kabayo niya kaya hindi makabayad!

Bwar har har har har!

Sa ngayon, tumataas daw ang presyon ng dugo sa kanya ni Tatay Digong, paano ba naman pinagre-resign na siya pero kapit-tuko pa rin sa kanyang puwesto ‘yon bang parang walang kahihiyan?

Siguro naman kilala n’yo na ‘yan!

THE WHO? Scandal – ni Jethro Sinocruz

About Jethro Sinocruz

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Bagong director, bagong imahen ng NBI, tama?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPWA may espesyal na pagkakakilanlan sina Energy Secretary Raphael …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Pagdukot, pagpapatubos sa mga Tsinoy, lumala na naman?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKAPAPANGAMBA ang ulat ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, …

Dragon Lady Amor Virata

Food crisis nakaamba, paano na ang Pinoy?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KUNG sakaling magkaroon ng food crisis sa darating na …

YANIG ni Bong Ramos

Mga pulis sa Blumentritt  Detachment, tunay  na mga trabahador

YANIGni Bong Ramos KUNG may patimpalak o ‘di kaya’y kompetisyon para sa best police detachment …

ULINIG ni Randy V. Datu

Sa dumaraming imported frozen
AGRI-PRODUCTS MULA CHINA, ATBP PAMILIHAN, LIGTAS NGA BA?

ULINIGni Randy V. Datu MULA nang isulat ko ang column na Ulinig sa respetado at …

Leave a Reply