Friday , September 30 2022
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

SSS official tuloy sa paglustay sa pondo ng ahensiya para sa lover

MINSAN tinalakay natin ang hinggil sa babaeng opisyal sa Social Security System (SSS) kaugnay sa paglulustay niya ng pondo ng kanyang hinahawakang opisina. Ang pondo ay ginagamit niya sa paglalandi este paki-kipag-date sa boypren niyang konektado raw sa isang kompanyang may kinalaman sa komunikasyon (private company ha, hindi government agency).

Actually, ang lalaki ay hindi naman masyadong kilala o never heard sa larangan ng komunikasyon pero kung umasta sa tuwing dinadalaw niya ang kanyang sinta sa opisina nito, ay feeling sikat o ‘gandang lalaki.

Pero ano pa man, hindi ang lalaki ang main character natin sa sumbong o panibagong impomasyon na ipinukol sa inyong lingkod at sa halip, ang babaeng opisyal.

Anang ilang kawani ng SSS, wala raw silang pakialam sa ginagawang pakikiapid ng opisyal (married kasi ang woman at may mga kids na – mga bata pa ang kids niya ha), lamang ang masaklap ay patuloy ang paglustay ng opisyal sa pondo ng kanyang dibisyon.

Sige pa rin daw ang babae sa pakikipaglandian kahit sa loob ng kanyang opisina o bisinidad ng SSS. Katunayan, ang babaeng opisyal ay talk of the town na sa loob ng ahensiya. Cheese cake na siya kung baga sa SSS pero wala pa rin siyang paki.

Oo wala siyang paki kung pinagpipiyestahan na siya. Masarap naman daw ang lahat nang nangyayari sa kanya.

Nasarapan nga sa boypren kaya walang paki.

He he he… kawawa naman ang pamilya ng woman na ito. Inakala ng mister na pulos OB ang lakad ng babae pero ‘yun pala’y kaliwa’t kanang pakikipaglandian ‘este, nakikipagtagpo sa boypren.

Hindi nga lang daw sa pipitsuging restoran dinadala ni madame ang kanyang boypren kundi sa mamahaling resto at hotel — tutal naman hindi galing sa bulsa ng opisyal ang winawaldas na salapi kundi pondo ng ahensiya mula sa kaban ng bayan o kontribusyon ng milyon-milyong SSS members.

Ang kapal nga raw ng pagmumukha ng babae, hindi na raw siya nahiya. Simula nang lumandi ang opisyal at sa tuwing nakikipagkuwentohan sa mga kilala niyang kawani at opisyal ng SSS, aba’y pulos patungkol sa kasarapan sa kama ang kanyang topic.

In short, pulos sex.

Nasarapan nga ang babaeng opisyal. Lamang ang masakit dito, pera ng bayan ang patuloy niyang nilulustay.

E sino nga ba ang woman na ito na tila signal number 5 na rin ang kanyang wagas na paglalandi este, pakikiapid sa boypren ni-yang may kinalaman sa komunikasyon?

Nagmula ang opisyal sa isang ahensiya din ng pamahalaan na may similarity sa SSS ang gawain.

Tao-tao lang siya sa pinanggalingan niya pero maraming nagtaka kung bakit nagkaroon ng item ang babae nang malipat sa SSS. Wala naman daw laman ang utak. Panay nga ang hingin niya ng opinyon o ideya sa kanyang subordinates kung ano ang dapat niyang gawin at kung paano patatakbuhin ang dibisyon na ipinagkatiwala sa kanya.

Booo… booo!!!

Ops, teka mali naman yata iyong walang laman ang utak ng babaeng opisyal. Mayroon naman daw — pulos patungkol nga lang sa sex.

SSS president Emmanuel Dooc, sir, kayo po ang siyang pinagkakatiwalaan ngayon ni Pres. Digong Duterte sa ahensiya, naniniwala ang marami na hindi lamang kaayusan sa benepisyo ng milyon-milyong miyembro ang inyong aayusin sa ahensiya kundi maging ang mga tiwaling gawain sa loob, kabilang ang paglalandi ni babaeng opisyal na tinalakay natin. Kung saan pondo kaya ng ahensiya ang kanyang ginagamit sa kalandian?

Pangulong Dooc, madali lang ninyong matutukoy  ang babaeng opisyal dahil siya ay talk of the town ng ahensiya ngayon. Madali lang din ninyong makikilala ang babae dahil pulos kalandian o sex ang buka ng bibig.

Sibakin na ninyo ang tiwaling ‘yan ito! Hindi siya asset sa ahensiya!

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

ULINIG ni Randy V. Datu

Kabayaran ng katigasan ng ulo sa panahon ng kalamidad

ULINIGni Randy V. Datu MAPAGPALANG ARAW sa ating lahat. Ating naulinigan na maaliwalas na ang …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sino’ng nakikinig kay Bongbong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MALIWANAG na ang pinakamahalagang natamo sa biyahe kamakailan ni …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC Jail PDLs, nabigyan ng pag-asang makapagtapos sa K12

AKSYON AGADni Almar Danguilan ANAK mo ba’y nakakulong ngayon sa Quezon City Jail Male Dormitory …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Bagong director, bagong imahen ng NBI, tama?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPWA may espesyal na pagkakakilanlan sina Energy Secretary Raphael …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Pagdukot, pagpapatubos sa mga Tsinoy, lumala na naman?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKAPAPANGAMBA ang ulat ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, …

Leave a Reply