Saturday , October 1 2022

Kean, puring-puri ni Direk Kip Oebanda

MAGAAN at mahusay daw katrabaho ang vocalist ng grupong Calla Lily na from singing ay sunod-sunod na rin ang acting projects na si Kean Cipriano ayon kay Direk Kip Oebanda.

Magkasamang muli sina Kean at Direk Kip sa pelikulang Bar Boys ng Tropic Frills and Rotary Club of San Miguel Makati at ng SM Lifestyle Entertainment Inc. na mapapanood sa December 7 exclusive sa lahat ng SM Cinemas nationwide.

Nauna ng nagkasama ang dalawa sa pelikulang Tumbang Preso at pagkatapos niyon ay naging close friend na.

Ayon nga kay Direk Kip, “It’s my second time working with Kean and know each other well. Communicating with him is easy.

“Also, because he is generally funny person, he was able to lighten up the mood and make everyone feel at ease which then helped us create the chemistry in the film.”

Habang ayon naman kay Kean patungkol kay Direk Kip, “I love that Guy, napakahusay na director.

“Sobrang napaka-metikuloso, mula sa blockings namin nakikita niya if tama o hindi.

“Anytime na kailangan ako ni Direk para sa movie niya I’m in, ganoon ako katiwala sa kanya. He’s really good.”

Makakasama ni Kean sa Bar Boys sina Enzo Pineda, Carlo Aquino, at Rocco Nacino.

MATABIL – John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply