Thursday , September 29 2022

5 taon pa bago magpakasal si Yam

LIMANG taon na lang pala ang ibinigay ni Yam Concepcion sa sarili bago magpakasal sa two-year relationship niyang si Miguel Cu Unjieng na nakabase sa Amerika at nagtatrabaho sa isang NGO company.

“Hindi pa ako ready, siguro in five years, ready na ako. And feeling ko rin, hindi pa siya ready kasi he just finished his masters in Georgetown (University), so he’s just starting his career also.

“Ako rin naman, struggling pa rin ako sa career ko, pero happy naman ako kasi heto may regular show na (Langit Lupa),” kuwento ni Yam.

Biniro nga namin si Yam na akala namin ay mangingisda ang trabaho ng boyfriend niya dahil halos lahat ng post nito sa Facebook account ay nanghuhuli ng isda na iba’t ibang klase.

“Ano ka ba, hobby lang niya ‘yun,” napangiting sabi ng dalaga.

Pero klinaro ni Yam na hindi pa naman daw nagpo-propose ang boyfriend niya dahil kakaumpisa pa lang nito ng career niya sa nasabing bansa.

Tukso namin sa dalaga na maganda na ang relasyon niya ngayon dahil maayos ang boyfriend niya kompara sa rati na hindi siya inamin.

“Wala naman ‘yun, nangyari lang sa show hindi naman ganoon kalalim ‘yung naging relasyon,” katwiran ni Yam.

Kapag may show daw si Yam sa Amerika ay nagkikita sila ng boyfriend niya tulad nitong huli na may show sila ni Martin Nievera sa Los Angeles at siya ang guest at proud siya dahil may duet daw sila ng singer.

“Proud ako, nag-duet kami ni Martin, ha. ‘I’ll be There’ ang kinanta namin, hindi naman ako nahuli. Ang bait niya grabe,” pagmamalaki ni Yam kay Martin.

Kapag walang regular teleserye raw si Yam ay nagso-show siya at nagagamit niya ang talent sa ukulele na isa rin sa hilig niya.

Multi-media graduate si Yam sa St. Benilde pero hindi na niya ito nagagamit.

“Hindi, eh. Ito na (artista) ang ginagawa ko, parang mahirap,” saad ng dalaga.

Gagampanan ni Yam sa Langit Lupa bilang asawa ni Patrick Garcia na bestfriend ni Alessandra de Rossi na asawa naman ni Jason Abalos.

Namatay si Alessandra at naghiwalay naman sina Patrick at Yam. At base sa trailer ang serye ay posibleng magkatuluyan sina Jason at Yam.

Viva contract artist si Yam at tinanong namin kung hanggang kailan pa ang kontrata niya, ”forever na yata, eh,” birong sabi ng dalaga, ”baka two years pa,”sabay bawi nito.

Magsisimula na ang Langit Lupa sa Nobyembre 25 kapalit ng Be My Lady na magtatapos na ngayong araw, Biyernes.

Ang ibang kasama sa Langit Lupa ay sina Ellen Adarna, Tommy Esguerra, Miho Nishida, Jairus Aquino, Sharlene San Pedro, Buboy Garovillo, Viveka Ravanes, Kitkat at ang dalawang bidang batang sina Yesha Camille bilang Princess ‘Esang’ Garcia at Xia Vigor sa papel na Princess Chavez.

Sina Carlo Po Artillaga at Myla Ajero-Gaite naman ang direktor at si Mel Del Rosario naman ang creative manager mula sa RSB Unit.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Piolo Pascual Rhea Tan Iñigo Pascual

Piolo masaya sa success ng anak na si Inigo

MATABILni John Fontanilla AFTER 2 years, muling humarap ang Ultimate Leading Man at award-winning Kapamilya actor na …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Andrea Brillantes Paul Salas

Andrea aminadong nagka-crush kay Paul Salas

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Andrea Brillantes, sinabi niya na at the …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Blind Item, Men

Self sex video at pictures sa mga beki may epekto sa career ni male star

ni Ed de Leon HINDI lang isang self sex video ang ginawa ng male star. Ang …

Leave a Reply