Saturday , October 1 2022
Clenched fist held in protest vector illustration. Panoramic

Sulsol ng dilawan sa kabataan

HINDI dapat magpagamit ang mga kabataan sa sulsol ng mga dilawan o ng Liberal Party (LP) na pinamumunuan ni dating Pangulong Noynoy Aquino na ang tanging layunin ay mapatalsik si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang puwesto.

Gamit ang isyung Marcos burial, unti-unti at tuloy-tuloy na gumagawa ng ingay ang grupong dilawan kasama ang mga makakaliwang grupo para palubhain ang situwasyon sa pamamagitan ng sunod-sunod na kilos-protesta.

Hindi alam ng mga kabataang na sa kabila ng kanilang paglahok sa mga demonstrasyon at rally ay nagagamit sila ng mga dilawan na ang tanging layunin ay mapababa ang popularidad ni Duterte hanggang tuluyang mapatalsik sa kanyang puwesto.

Malikhain at maingay ang mga kabataan, kaya’t sila ang target ng mga dilawan para magamit sa kanilang ginagawang propaganda.  Patunay na rito ang mga sunod-sunod na kilos-protesta laban sa Marcos burial na karamihan ng kalahok ay mga kabataan na galing sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad.

Kailangang maging mapanuri ang mga kabataan sa ginagawa nilang pagsama sa mga protesta partikular laban sa Marcos burial.  Mahalagang sila ay maging kritikal at malaman nila na sakaling  magtagumpay ang mga dilawan sa kanilang ginagawang pagkilos,  ang mga alipores din ni Aquino ang tiyak na papalit sa maiiwang gobyerno ni Duterte.

About hataw tabloid

Check Also

ULINIG ni Randy V. Datu

Kabayaran ng katigasan ng ulo sa panahon ng kalamidad

ULINIGni Randy V. Datu MAPAGPALANG ARAW sa ating lahat. Ating naulinigan na maaliwalas na ang …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sino’ng nakikinig kay Bongbong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MALIWANAG na ang pinakamahalagang natamo sa biyahe kamakailan ni …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC Jail PDLs, nabigyan ng pag-asang makapagtapos sa K12

AKSYON AGADni Almar Danguilan ANAK mo ba’y nakakulong ngayon sa Quezon City Jail Male Dormitory …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Bagong director, bagong imahen ng NBI, tama?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPWA may espesyal na pagkakakilanlan sina Energy Secretary Raphael …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Pagdukot, pagpapatubos sa mga Tsinoy, lumala na naman?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKAPAPANGAMBA ang ulat ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, …

Leave a Reply