Thursday , October 6 2022

Derek Dee, may adbokasiya laban sa Hepa-C

NOT A nor B but C! Ever heard of Hepatitis C?

He wasn’t aware na during his gallivanting days in the 80s, thirty (30) years ago, eepekto pala ‘yun sa kalusugan at pangangatawan ng hinangaan din during his prime as an action star na si Derek Dee.

At lalo pang nakilala si Derek at umingay ang bukod sa ipino-produce nilang mga pelikula ng kanyang yumaong inang si Mommy Regina Dee, siya ang naging ama ng iniluwal ng former beauty queen na si Melanie Marquez na si Michelle!

Fast forward na tayo to now. Gustong ibahagi ni Derek ang kayang advocacy para makatulong sa mga nagkakaroon ng Hepatitis-C na muntik na niyang ikamatay. Dahil natuklasan niya ang napakamahal na pildoras na ilang buwan niyang ininom na nakatulong sa kanyang paggaling.

Para mas maunawaan kung ano ang pinagdaraanan ni Derek, lahat ay isiniwalat niya sa kanyang Hep Cured page sa Facebook. At ilang mga tao na rin ang natutulungan niya from his own pocket para mabili ang naturang pildoras na believe it or not ay nagkakahalaga ng $1,000.00.

Mas pinili ito ng pikit-mata ni Derek kaysa chemotherapy na halos ganoon din ang gagastusin.

“Sabi ko bahala na. I don’t want to go through chemo. Dasal na lang din na bahala na si Lord. If it’s my time, ready naman na ako. At nagpaalam na ako sa dalawang babae sa buhay ko. My wife and Michelle who was a teener pa lang noon.”

Nagpaalam na rin siya kay Melanie?

“Hindi! Alam mo naman ‘yun. Baka mabalitaan na ng buong mundo ‘pag sinabi ko. Pero we are very good friends now.”

Dahil sa nangyaring maituturing na second lease on life sa kanya, ito naman daw ang paraan ni Derek of paying back. Kaya gusto niya na magbalik ng tulong sa mga nangangailangan.

May ipinakita sa aming mensahe si Derek sa kanyang cellphone. Nagpapasalamat at kahit daw hindi niya kilala ng personal ang aakyat ng barkong OFW eh, tinulungan niya ito. Gayundin amg isang mula sa Haribon.

‘Hindi naman ako mapanghusga. ‘Am just here to connect people to the right suppliers, pay it forward and for them to have a second life.”

Wala raw siyang balak mag-artista uli. Ayaw naman daw niya mag-father role kaya ibigay na raw sa mga bago ang dati na niyang ginawa sa aksiyon. Pwede pa raw na mag-produce siya ng pelikula

For now, it is this advocacy para maisalba ang mga may Hepa-C na mas focused siya. Marami ang nakakatawid from Hepa A and B pero sa C, bibihira nga.

Kaya sa natalisod niyang paraan para gumaling na ilang panahon nga ang ginugol niya para makita ang nasabing pildoras. Mahaba at mahirap na proseso rin ang kanyang dinaaanan. At balde-balde ring tiwala ang kinailangan niyang gugulin para ang mga tamang tao o kinauukulan ang malapitan niya for it to reach our shores.

For someone who thought that he was healthy all those years, sa dulo pala lalabas ang magiging kabayaran sa kanyang naging kapabayaan.

His Hep Cured aims to promote common awareness, routine testing and affordable treatmen for Hepatitis-C.

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Jillian Ward

Jillian binulyawan ng doktor

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN ng isang content creator na isa ring doctor na si Dr. Alvin …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Dating sikat na matinee idol suki ng mayayamang bading sa car fun

ni Ed de Leon “KAILAN ba siya babalik sa Pilipinas? Nami-miss na namin siya,” tanong ng …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin sumailalim sa angioplasty

HATAWANni Ed de Leon NAKAKA-CONFUSE iyang lumalabas sa social media na sinasabing naoperahan sa Asian …

MTRCB

Sa paggawa ng pornograpiya
‘PINAS KA-LEVEL NA NG JAPAN, SK, CHINA

HATAWANni Ed de Leon NATURAL umaangal ang mga gumagawa ng mga pelikulang soft porn na …

Mike Tan

Mike tinupad pangarap na makapagtapos

MATABILni John Fontanilla FEELING nasa cloud 9 ang Kapuso artist na si Mike Tan dahil nagtapos na siya sa …

Leave a Reply