Wednesday , September 28 2022
Angelica Panganiban sexy
Angelica Panganiban sexy

Angelica Panganiban movie sa Star Cinema kumita ng P17-M sa first day (Bigo man sa pag-ibig, reyna naman ng takilya)

SA ilang panahon na karera sa showbiz, wala pa yatang flop movies si Angelica Panganiban.

Yes mapa-indie man o mainstream, lahat ng film projects ng actress, comedy, drama o romcom, ay tumatabo nang husto. Ang box office results ay mula P100 million hanggang P300 million pataas.

Gaya ng latest movie ng Kapamilya actress na “The Unmarried Wife” katambal ang dalawang sikat actor na sina Dingdong Dantes at Paulo Avelino ay super impressive ang resulta at sobrang lakas sa takilya. Patuloy na pinipilahan sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.

Base sa nakita naming latest post sa FB account ng ADPROM Manager ng Star Cinema na si sir Mico del Rosario, kumita ang The Unmarried Wife ng P17 million sa unang araw ng showing nito.

Hindi lang pinag-uusapan ang pagtiba nito, maging ang performance ng tatlong lead stars lalo na kay Angelica ay byword sa sobrang husay ng performance sa TUW. Ang galing-galing at standout ang nasabing actress pagdating sa tinatawag na voice acting na bibihira lang nating makita sa kapwa niya artista.

At least ‘di ba, madalas mang mabigo sa kanyang buhay pag-ibig si Angelica ay namamayagpag naman ang career at reyna pa ng takilya.

Kabogerang tunay gyud!

MOTHER LILY MONTEVERDE PINAKA-REYNA SA LAHAT

NG MOVIE PRODUCERS, VIVA AYAW NG KRITISISMO

REPORTERS BAN SA PRESSCONS

Wala pa ang Viva Films, Seiko, Star Cinema at iba pang malalaking movie outfit noong late 70s ay namamayagpag na ang Regal Films na pag-aari ni Mother Lily Monteverde.

Batang musmos pa lang yata ang daughter ni ma- dera na si Ma’am Roselle Monteverde ay pinasok na ni mother lily ang pagpo-produce ng malalaking pelikula at base sa pagkakaalam namin ay unang blockbuster movie ng Regal noon ay ang “Pang-umaga, Pang-tanghali Pang-gabi” na pinagbidahan nina Gina Pareño, Elizabeth Oropesa at Sabrina na babaeng-babae ang dating pero transgender sa tunay na buhay. Kasama rin ang lead actors sa film na sina Eddie Garcia at Orestes Ojeda at idinirek ni Luciano Carlos.

Hayun nagkasunod-sunod na ang big movies sa Regal at lalong naging popular ang movie outfit at kinilalang number one nang ma-discover ng Regal Matriarch ang Regal Babies na kinabibilangan at pinangunahan nila Maricel Soriano, Snooky Serna at Dina Bonnevie.

Dahil hindi tumigil sa paggawa ng pelikula, hanggang ngayon ay umaani pa rin ng tagumpay ang generous na Chinese produ. Sa kasalukuyan ay pinipilahan sa takilya ang latest movie offering na “The Escort” na kumita na umano ng P40 million.

By the way, kung si mother at iba pang kapwa movie producers ay tumatanggap ng kritisismo, ang Viva Films at mga taong nasa likod nito ay tila may

pinaiiral na martial law. Sabi ay may monitoring team para sa araw-araw sa entertainment pages ng iba’t ibang tabloids. Kapag nabasa nilang pinupuna ang kompanya nila, ban na ‘yung entertainment columnist o contributor sa kanilang mga presscon at lahat ng events.

Bawal na bawal sa kanila ang mapitik kahit may tinatawag na freedom of the press o freedom of expression ang mga reporter na hate nila.

Well ipagpatuloy lang nila ang gawaing ito at pasasaan ba at pipitikin sila ni Lord.

I’m very positive na mangyayari ito sa kanila gyud!

GABBI GARCIA BLOOMS

INTO A FINE WOMAN

As Gabbi Garcia turns 18 this December stars will align for a magical night filled with fun and spontaneity.

The GMA Artist Center teen princess stepped into the limelight as the sweet girl who brought her fresh charm and undeniable grace on screen. From portraying teenybopper roles alongside on-screen partner Ruru Madrid, Gabbi transformed herself into a fierce and sophisticated actress when she took the role of Sang’gre Alena in the iconic telefantasya of GMA Network, Encantadia.

In barely three years, she was able to make a name in the industry by being herself-bubbly and fun, yet sultry and refined. Now that she is celebrating her coming of age, she will be spending an enchanting night with the people who left a significant mark in her journey through life. Gabbi will share a part of her that people has never seen before, and she will do it elegance as she dons three dresses made by Mark Bumgarner.

Meanwhile, fellow Kapuso stars who are close to Gabbi’s heart have prepared special performances to revel on her becoming a woman. Tagged as #SincerelyGabbi, the Kapuso actress wants her debut to be everything out of the ordinary, and she promises to steer clear of tradition.

“I want in be a night where all my loved ones are present. Pero ayaw kong masyadong traditional. I want to have the typical 18s but not strictly going by the rules. I just want to spend a fun night with all the special people in my life.”

And Gabbi would like to thank the following GMA Network, GMA Artist Center, Marriot Hotel, Blufish Photography, Jason Magbanau, Teddy Manuel, Mark Bumgarner, Martin Bautista, Kat Cuz, Jason delos Reyes, Mark Anthony Rosales, Patty Tiu of Deuce Manila, Bespoke Manila, Rabbithole Creatives, Luce Acustico, Printcity, La Luz Beach Resort, Gluta-C, Solane, Center for Advanced Dentistry, Nailandia, Honeyglaze Cakes, The Makeup Studio team by Madge Lejano and the venue of her sincerely debut press conference The Le Reeves Events in Quezon City.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Piolo Pascual Rhea Tan Iñigo Pascual

Piolo masaya sa success ng anak na si Inigo

MATABILni John Fontanilla AFTER 2 years, muling humarap ang Ultimate Leading Man at award-winning Kapamilya actor na …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Andrea Brillantes Paul Salas

Andrea aminadong nagka-crush kay Paul Salas

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Andrea Brillantes, sinabi niya na at the …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Blind Item, Men

Self sex video at pictures sa mga beki may epekto sa career ni male star

ni Ed de Leon HINDI lang isang self sex video ang ginawa ng male star. Ang …

Leave a Reply