Friday , September 29 2023

“Hindi ka dapat mahalin, Kris!”

NGANGA si Kris Aquino nang hindi patulan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang paanyayang one-on-one interview na nakatakda sanang gawin sa Davao City noong Biyernes.

Obvious na isang gimik ito ni Kris para sa kanyang gagawing comeback sa TV bilang isang magaling na host.

Pero may kasabihan nga, hindi laging papanig sa iyo ang suwerte. Supapal si Kris at ang inaakalang bonggang pagbabalik niya sa telebisyon sa pamamagitan ng kanyang panayam kay Duterte ay naunsiyami.

Para pagtakpan ang kahihiyan, kung ano-ano pang pahayag ang kanyang binitiwan na kesyo raw ang isang first date, minsan ay hindi natutuloy; at kesyo pinaghandaan pa raw niya itong mabuti lalo’t nagpaliit pa siya ng kanyang baywang.

Hindi lang siguro nganga o supalpal ang inabot nitong si Kris kundi isang bonggang karma. Akala niya yata ay wala nang katapusan ang kanyang pamamayagpag sa telebisyon at kahit si Duterte ay inakala niyang kanyang mapapaikot. Pero nagkamali si Kris, hindi siya pinatulan ni Duterte.

Hindi ba’t napakaangas nitong si Kris sa kanyang mga programa? Ilang guests na ba sa kanyang programa ang kanyang ipinahiya? O kaya ay sinusupalpal at binablangka? Kung todo ang kanyang pamamayagpag sa panahon ng kanyang kapatid, iba na ang panahon ngayon.

Hindi na presidente ng Filipinas ang utol ni Kris na si Noynoy. Wala na siya sa power at itigil na niya ang kanyang power tripping.

Sa nangyayari ngayon, masasabi natin sa Queen of all Media… na hindi ka dapat mahalin, Kris!

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

 ‘Wag n’yong ‘paikutin’ si Digong

SIPATni Mat Vicencio SILIP NA SILIP ang diskarte ng mga tusong politikong gustong gamitin at …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Tsokolateng dollar bills

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NA-HULICAM sa umano’y paglunok ng dollar bills na nagmula …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-utol na meyor may dementia o amnesia?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata BILIB na sana ako sa kasipagan ng magkapatid na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *