Sunday , October 2 2022

Ria, kinilig at sobrang natuwa sa pagkakasama sa OTJ

NAGULAT kami nang makita namin si Ria Atayde sa nakaraang OTJ mini-series launching sa B Hotel noong Martes ng hapon at inisip namin na sinamahan niya ang kapatid niyang si Arjo Atayde bilang isa sa cast.

Kaya lang, kahilerang nakaupo ni Ria ang ibang cast ng OTJ mini-series tulad nina Bela Padilla, Dominic Ochoa, Neil Ryan Sese, Nonoy Froilan, Smokey Manaloto, Teroy Guzman, Jake Macapagal, Leo Martinez, at ‘yung batang kasama sa Patintero na si Nafa Hilario Cruz kaya sumenyas kami kung kasama siya sa show at tumango ang dalaga.

Sinenyasan ulit namin ng, ‘hindi ka nagsasabi, ha.’ At napangiti lang si Ria.

At noong ipakilala na ni Direk Erik Matti si Ria bilang isa sa cast ay nagpasalamat ang kapatid ni Arjo.

“Sa akin sobrang honor na makasama sa project na ito, kasi unang-una si Arjo pa lang ang kasama, so ako, kinilig na ako kasi bata palang kami sobrang idol na namin si direk Erik kasi dapat ididirehe niya ‘yung parang lead film ng mom (Ibyang) ko pero hindi po natuloy ‘yung film na ‘yun kasi nabuntis si mommy kay Arjo.

“So, parang nag-full circle ‘yung career ni mom. so imbes na si mom ang ididirehe ni direk Erik kaming dalawa na lang ni Arjo, its an honor to be working with direk Erik and to be part of something that discusses something that we don’t talk about, something that we don’t really talks about and aside from that its really an honor to be part of something that would definitely change Philippine media because HOOQ, Globe and Reality Entertainment.

“This is the first collaboration of original content so as a new actress like me sobrang nakakikilig, sobrang nakatataba ng puso na my talent is being recognized so, thank you po,” masayang sabi ng baguhang aktres.

Dream na makatrabaho si Direk Erik Matti

Pagkatapos ng launching ng OTJ mini-series na produced ng HOOQ at Globe Studios na ididirehe naman ni Erik Matti at pamamahalaan ni Dondon Monteverde for Reality Entertainment ay biglang nawala si Ria kaya tinext namin kung saan siya nagpunta at binanggit na hinihintay siya ng bunsong kapatid na si Xavi dahil may event daw sa school nito.

At nagpakuwento kami kung paano siya napasama sa OTJ mini-series.

“Ha ha ha hi tita, surprise noh? Anyway, ganito po kasi ‘yun. ‘Yung GM (general manager) ng Reality Entertainment was my batchmate in DLSU (De La Salle University), same course.

“Tapos nag-message siya sa akin sa Facebook about Direk Erik wanting to meet Arjo to discuss a role.

“So ako, super kilig for Arjo kasi nga, direk Erik ‘yun, OMG!  ‘OTJ’ (the movie) favorite namin ‘yun, eh. Tapos siguro, two weeks after, tinext niya (GM) ako na gusto rin ako i-meet para i-cast, so I referred her to my handler, tita Cris Navarro (Star Magic) and here we are now.

“To be working with Arjo, honestly tita, sa tingin ko, hindi kami magkaka-eksena since different worlds/storylines kami, but for the both of us to be in the same show is already super nice for me.

“Ang sarap sa pakiramdam na kahit paano, slowly but surely, naabot na namin ‘yung mga pangarap namin,” masayang kuwento ng dalaga.

Natupad na ang pangarap ng magkapatid na Arjo at Ria na magkasama sila sa show, pero ang kasama rin ang nanay nilang si Sylvia Sanchez, ay hindi pa nangyayari.

Sina Arjo at Ibyang lang ang nagkatrabaho na sa Pure Love at si Ria ay nakasama ang ina sa Ningning ni Jana Agoncillo noong isang taon.

Sabi ni Ria, ”okay lang po na wala si mommy for now, nagkatrabaho na kami and same with Arjo. So time naman namin ni Arjo, ha, ha, ha. Alam ko naman po na someday, matutupad ‘yung pangarap naming tatlo.”

Si Karen Salas na anak ng protagonist na si Sisoy Salas na gagampanan naman ni Teroy Guzman ang karakter ni Ria.

“Teacher po ako rito and since namatay ang nanay naming tatlong magkakapatid at busy parati ‘yung daddy namin, ako ang tumayong head of of the house, in charge sa groceries, pagtulong sa mga kapatid ko, sa pagba-budget at sa pag-aasikaso sa bahay, basically,” kuwento ng dalaga.

Samantala, sa susunod na linggo na raw ang taping ng OTJ mini-series dahil nagkaroon na ng storycon at script reading ang buong cast noong Miyerkoles.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply