Friday , September 30 2022

Arjo Atayde, isang kapamilya aktres ang inspirasyon (Swak na swak bilang brand ambassador ng Axe Black!)

PATULOY ang pagdagsa ng blessings para sa talented actor na si Arjo Atayde. Kaya nagpapasalamat ang aktor sa mga oportunidad na ito.

“Sobrang blessed talaga from Ang Probinsyano to Hammerhead, then Cathy Valencia came in, then I have Suit It Up Manila. Tapos itong Axe Black Concept Store, at OTJ series sa HOOQ. All the things are happening at the same time, so I’m very blessed, I’m very thankful, of course, I’m very happy,” aniya.

Sinabi rin ng anak ni Sylvia Sanchez ang ukol sa Axe Black Concept Store. “We’re three people. They gave us a concept store and I’m the last one to do it. Ang ibinigay sa akin is athleisure, that’s the concept of my store. So, athleisure, sa word pa lang na athlete, they got it from siguro my Instagram, they saw me doing sports.

“No matter what I do kasi, kahit may taping everyday, isinisingit ko pa rin sa schedule ko to be able to play football. So, it’s actually a perfect concept for me.

Iyong items and products that we’re selling are all related to sports, like towels, water jugs, caps, bomber jackets and more,” saad pa ni Arjo sa launching nito last Friday sa Unit 27 Apartment Bar + Café sa Icon Plaza, Bonifacio Global City.

Swak na swak nga si Arjo bilang brand ambassador ng Axe Black. “The concept of athleisure is a perfect concept for me, kasi yun nga, it shows yung man on the go na kahit ano ang suot mo, kahit simple lang, it will look classy even with a sporty type of look. For the Axe Park, we wanted it to be a space where guys felt comfortable enough to shop and be themselves, even if their girlfriends were around,” esplika pa ng Kapamilya actor.

“For me, I’ve always been athletic but when it comes to fashion, I’m all about being comfortable without sacrificing style, it’s just about the way you carry yourself. That’s why I keep highlighting the fragrance, because when you smell good, you feel good, and when you feel good, you can pull off any outfit,” dagdag pa niya.

Ukol naman sa personal na bagay, inamin ni Arjo na nagde-date sila ng isang aktres mula ABS CBN matapos maging loveless for three years. “I’m seeing someone. I don’t wanna say dating, but it’s hard to explain because it’s more of a getting-to-know stage for now. So, getting-to-know, we’re friends.

“She’s new, but I don’t wanna mention first any name. But yes, she’s from ABS. We’re friends, we’re getting to know each other as far as I’m concerned. I don’t want to put the dating status first because we’re texting, hanging out once in a while, so iyon.”

Bakit gusto niyang isikreto muna ang pangalan ng girl? “Baka maudlot, e. Baka ma-jinx po, e,” nakangiting saad pa ni Arjo.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply