Wednesday , October 5 2022

Duterte kakasa vs Trump (Kapag umepal sa PH drug war)

111116_front

HINDI uurungan ni Pangulong Rodrigo Duterte si US president-elect Donald Trump kapag nakialam sa kanyang kampanya kontra illegal drugs.

Sa kanyang talumpati nang makipagpulong sa Filipino community sa Grand Ballroom, Mandarin Oriental Hotel, Kuala Lumpur, Malaysia kamakalawa ng gabi, tiniyak ni Pangulong Duterte na hindi siya tatahimik sa pagbira sa Amerika hanggang ang trato sa Filipinas ay patay gutom.

“Ngayon dito tayo, ayaw ko nga, sabi ko, makipag-away kasi andiyan na si Trump. But I would like to congratulate President Trump. Mabuhay ka. Pareho tayo magmumura. Konting rason lang, mura kaagad, pare-pareho kami. Kaya lang sabi ko, so sabi ko, hindi talaga ako, I will not, I will not for the life of me, na papayag ako no’ng ano,” giit niya.

Tuwing babatikusin aniya ng US State Department ang isyu ng human rights sa bansa kaugnay sa kanyang drug war ay laging karugtong ang pananakot na hindi ibibigay ang ayuda sa Filipinas.

“Ang State Department. Ang ayaw ko, everytime that they bring out the issue of human rights, there is always that added statement, na ‘yung aid ninyo, ‘yung assistance ninyo, hindi namin ibibigay,” aniya.

“Kaya ako, ayaw ko makipag-away pero, meron kasi kaming mga Bisaya, ‘yun bang patay gutom. Ewan ko kung ano ‘yan sa inyo. Parang everytime that they address us, it is as if mga patay gutom tayo na, sige, ito ang gawin mo, pagka hindi we will not. Para kang aso. Na you are tied to a post but the leash is very short and they would throw the bread far away. Ang aso naman, keep on looking at the… parang ganoon kaya nainsulto ako, sabi ko p***** ina kayo. Lahat.  Lahat na mura, bull s*** sabi ko you go to hell. Ngayon napansin na nila ako,” dagdag niya.

Ipinagmalaki ng Pangulo na siya lang ang bukod-tanging presidente sa buong mundo na minura ang Amerika at wala siyang pakialam kung ihinto ang pagtulong ng US sa bansa dahil nariyan ang Malaysia na kaagapay ng kanyang administrasyon sa pag-aayos ng bayan at paglaban sa korupsiyon.

“E magtanong ka, sinong president ng Uruguay o Paraguay? Sino ang Mayor ng New Orleans? Sino Presidente nitong sa Gabon? Sinong Presidente ng Filipinas? Duterte. [laughter] Bakit? E ako lang ang president na nag p****** ina sa kanila, leche kayo. Kaya ganoon. Now, you do not give us the aid? S***, to hell with you. Kaya ako nandito kasi kaibigan man kami ni Prime Minister Najib Razak. Sabihin ko na ikaw na lang ang bahala sa kin kung maghirap-hirap sa Filipinas ha. We have to put things in order, we have to put a stop sa corruption. Importante talaga yan,” kuwento ng Pangulo.

Aniya, apat na buwan pa lang siya sa Palasyo ay marami nang kontrobersiya na ikinulapol sa kanya, kasama na ang away niya sa Amerika at bagama’t ayaw niya ng kalaban ay hindi siya basta mananahimik dahil lang nanalo na si Trump, kapag patuloy na nakialam ang US sa kanyang kampanya kontra illegal drugs.

“Kasi ganito ‘yan e. I’m just 4 months and there has been a lot of controversy woven around my person, including my quarrel with America. Ayaw ko po ng kalaban but I cannot also, sabi kasi nila, tutal tapos na ang eleksiyon, nanalo na si Trump. Why don’t we just shut up? E kasi it has a connection with the very important issues in the lives of the Filipinos. Alam mo kung ano ‘yan? Droga. And it has engulfed our country, napabayaan, na hayaan ang problema,” dagdag niya.

Muling nagbabala ang Pangulo na kapag hindi siya kumilos ay maaaring matulad ang Filipinas sa Latin America na bumagsak dahil sa illegal drugs lalo na’t nakapagluklok na ng senador ang drug syndicate sa bansa at may 6,000 pulis ang sangkot sa sindikato ng droga.

“And we have about 6,000 policemen all over the country and the portals of the national government has been opened by the entry of a senator who used drug money diyan sa ating National Penitentiary and she was the Secretary of Justice and she was funded by drug money. ‘Yan ang warning ko sa inyo because lahat ng bumagsak sa Latin Amerika, because of drugs,” aniya.

ni ROSE NOVENARIO

SIBAKAN NG OFWs  SA US
AT SAUDI IBINABALA

KAILANGAN nang paghandaan nang husto ng Filipinas ang posibilidad na magkaroon nang malawakang pagpapauwi sa overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Estados Unidos at Saudi Arabia.

Sinabi ni Acts OFW Rep. John Bertiz, dahil sa America first policy ni US President-elect Donald Trump, maaaring unang maapektohan nito ang nurses at iba pang medical workers na contractual lamang ang trabaho.

Bukod dito, sinabi ni Bertiz, mayroong 200,000 medical workers ang inaasahang mawawalan ng trabaho sa Saudi Arabia sa mga darating na buwan.

Kasunod ito nang deklarasyon ng gobyerno ng Saudi Arabia na isali na ang medical services sa kanilang bansa sa ilalim ng Saudization program.

Dahil dito, iginiit ni Bertiz, kailangan na maging doble ang paghahanda ng gobyerno at magkaroon ng reintegration program para sa OFWs.

About Rose Novenario

Check Also

arrest posas

2 manggagantso timbog sa bitag

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng …

100422 Hataw Frontpage

Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA

ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo …

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

SA layuning pagkaisahin at isulong ang lahat ng mga koopertiba sa buong lalawigan, sinimulan ng …

Bulacan Recuers Luksang Parangal

Pagkilala at pinansiyal na suporta bumuhos sa limang rescuers na nasawi sa Bulacan

BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap …

Sta maria Bulacan Police PNP

Pusher na 67-anyos na lolo, kinalawit sa ibibiyaheng ‘bato’

KAHIT malapit ng lubugan ng araw ay nagagawa pa ng isang lolo na gumawa ng …

Leave a Reply