Thursday , September 29 2022
nbp bilibid

De Lima, 17 pa kinasuhan ng NBI sa Bilibid drug trade

SINAMPAHAN na ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sen. Leila de Lima at 17 iba pa dahil sa sinasa-bing naging partisipas-yon nila sa paglaganap ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Si De Lima, dating kalihim ng Department of Justice (DoJ) ay sinampahan ng samu’t saring mga kaso dahil sa sinasabing pagtanggap ng drug money mula sa drug lords.

Mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs, Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019), Presidential Decree (PD) 46 Punishing the Receiving and Giving of Gifts of Public Officials and Employees, at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act 6173) ang mga isinampa laban sa senadora.

Kabilang sa mga kinasuhan sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Franklin Jesus Bucayu, dating Bucor officer-in-charge Rafael Ragos, dating security aide ni De Lima na si Joenel Sanchez, dating driver at bodyguard ng senadora na si Ronnie Dayan, NBI agent Jovencio Ablen Jr., dating staff ni Bucayu na si Wilfredo Ely, personal assistant ni De Lima na si Lyn Sagum, indibidwal na nagngangalang Julius Rejuso at isa pang alias George.

Bukod dito, kabilang din sa sinampahan ng mga kaso ang ilan pang high-profile inmates na tumestigo sa bentahan at distribusyon ng ilegal na droga.

Ito ay sina Jaybee Sebastian, Herbert Colanggo, Engelbert Durano, Vicente Sy, Wu Tuan Yuan alias Peter Co at Jojo Baligad.

Inihain ang mga kaso ng tagapagsalita ng NBI na si Ferdinand Lavin at NBI Anti-Illegal Drugs Division chief, Atty. Joel Tuvera.

Ayon kay Tuvewa, ginawang batayan sa reklamo ang mga testimonya ng witnesses sa NBP probe na inilunsad ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Lavin, kampante ang NBI na malakas ang mga ebidensiya laban sa mga akusado.

About hataw tabloid

Check Also

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

Arrest Posas Handcuff

Sa P.6-M shabu
‘ILLEGAL DRUG DEALER’ ARESTADO SA KANKALOO

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P600,000 milyong …

shabu drug arrest

Tulak na 2 kelot at bebot tiklo sa drug buy bust

TATLONG tulak ng ipinagbabawal na droga ang arestado, kabilang ang isang babae matapos masakote sa …

NBI

Tinapyas na budget ng NBI ibalik, laban vs cybercrimes paigtingin – solon

SA LAYUNING mapaigting ang laban ng bansa kontra insidente ng cybercrimes, kumilos si Senador Win …

Leave a Reply