Sunday , September 25 2022

“Bakit Lahat ng Guwapo may Boyfriend” biggest flop movie ni Anne Curtis (May martial law sa Viva Films)

NAPIPIKON pala ang Viva Films kapag napupuna ang mga proyekto nila partikular na sa kanilang pino-produce na movies.

Sabi, may monitoring team raw kasi ang Viva na kapag nabasa nila na pinipitik sila ng entertainment columnist o contributor sa mga sinusulatang tabloid ay tatandaan nila ang name at presto iba-ban na sila sa kanilang mga presscon.

Bakit hindi sila gumaya sa Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde at Star Cinema ng ABS-CBN na tumatanggap ng criticism at kaibigan pa rin nila ang mga bumatikos sa kanila unlike them na may martial law yata sa movie outfit nila.

Bawal ang freedom of the press, o freedom of expression. Hayan dahil sa kaokrayan ng Viva ay semplang sa takilya ang kalalabas na movie ni Anne Curtis na “Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend.”

Yes! Ito na raw ang biggest flop movie ni Anne for her entire career.

True, ngayong panahon ng millenial ay digital na ang karma gyud!

Espesyal na show, ihahain sa Kia Theater…
“BANANA SUNDAE” WALONG TAON
NANG NAGPAPASAYA NG MGA KAPAMILYA

Walong taon nang naghahain ng masarap na katatawanan sa mga manonood na Filipino ang ABS-CBN comedy show na “Banana Sundae” kaya naman bilang pasasalamat sa fans, isang anniversary show ang kanilang gagawin sa Kia Theater ngayong Huwebes (Nov 17).

Abangan ang pasabog na group production numbers ng “Banana Sundae” barkada na sina Angelica Panganiban, John Prats, Pokwang, Pooh, Jayson Gainza, JC De Vera, Jessy Mendiola, Ryan Bang, Jobert Austria, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, at Badjie Mortiz kasama ang kanilang surprise celebrity guests.

Sa kabila ng pinagdaanang mga pagbabago ng programa, nananatiling tinatangkilik ng manonood ang “Banana Sundae.”

Ito ay consistent toprater sa weekend at trending din sa social media. Ang show din ang nagbigay sa manonood ng hit parody segments tulad ng NNNN (Ntertainment News Na Naman) kasama sina Tito Bhoy at Krissy, Krissy TV,  Mutanglawin, at Ihaw Na, pati na rin ang original segments na Brod Bro Bru, Banana TV, Laugh 3, Balitang Siksik, Sosyal at Di Sosyal, Kantaranta, at Baby Luv.

Laging makitawa at makisaya sa kuwelang barkada ng “Banana Sundae” tuwing Linggo pagkatapos ng “ASAP” sa ABS-CBN.

INA RAYMUNDO SEKSING TEACHER
SA TROPS NG EB BAES

Bagay na bagay kay Ina Raymundo ang role niya sa “TROPS” bilang college professor na si Binibining Macauba na tatlo sa kaniyang mga estudyante ay sina Baes Kim, Jon at Joel.

At dahil Filipino teacher si Ina, bawal na bawal sa kanyang klase ang magsalita ng English or else magpa-fine ng P100 ang sinumang lalabag.

E pareho pa lang Englisero ang magkatropang sina Kim at Jon kaya hayun isa sa kanila ay siningil talaga ni Bb. Macauba.

Si Bae Miggy naman ay matindi talaga ang tama kay Taki at selos na selos siya sa tuwing nakikita niyang kasama ni Bae Kenneth at ang dalaga pa ang nag-aalaga sa ka-trop niya nang magkasakit.

Napapanahon ang istorya ng TROPS, kaya relate na relate ang lahat ng millenials sa nasabing Youth Oriented TV program na mapapanood Lunes hanggang Biyernes 11:30 ng umaga bago mag-Eat Bulaga sa GMA-7.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Janice de Belen Inah Estrada Jake Vargas

Janice sa isyung buntis ang anak — Mahirap itago iyan dahil sa socmed

DEADMA lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang …

Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen …

Vhong Navarro Tanya Bautista

Misis ni Vhong nananalig mapapawalang-sala ang asawa

HUMARAP kahapon ng hapon ang misis ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista para maglabas ng saloobin ukol sa …

Leave a Reply