Wednesday , February 21 2024

Paolo, umaasang magiging Best Actor din sa ’Pinas

NAIYAK si Paolo Ballesteros nang banggitin ang pangalan niya bilang Best Actor sa Tokyo  International Film Festival. Ang weird daw ng feeling na sa international filmfest siya nag-win tapos naka-gown pa siya.

“Hindi ko talaga ini-expect dahil 16  pelikula ang kasali (opisyal na kalahok dahil 2000 movies ang nagtangkang sumali) . So,alam mo ‘yun ‘yung chances of winning hindi mo alam although siyempre ibinigay din namin ‘yung best namin,” deklara niya.

Inaasahan din ba niya na masusundan sa Pilipinas ang pagiging Best Actor niya?

“Sana..sana,” tumatawa niyang sagot.

Ngayong  may International Best Actor trophy  na siya, nagtaas na rin ba siya ng TF? Nagkaroon  na ba siya ng ganoong pag-iisip?

“Kung halimbawa mayroong ganoong process tapos wala namang kukuha, ‘di waley pa rin,” praktikal niyang sagot pero napa-oo na siya ng Regal Films na pumirma ng tatlong pelikula sa kanila.

Kinilig kay Albie Casiño

Natawa rin si Paolo sa rebelasyon na sobrang kinilig siya noong makapartner niya si Albie Casiño kompara kay  Luis Alandy. Napansin din daw ni Direk Jun Lana ang chemistry nila ni Albie. Totoo bang mas na-excite siya noong si Albie ang maging leading man niya?

“Ha!ha!ha! ikaw ha (turo niya kay Direk Jun). Siyempre, ‘yun kasi ang nasa script. Ha!ha!ha! Bakit ba, pogi naman si Albie?,”reaksiyon niya.

Nabunyag din na may kissing scene si Paolo sa pelikula pero ayaw nilang sabihin kung kay Albie o kay Luis ito.

Threat na kay Vice Ganda

Tinanong din siya  Paolo kung willing  siyang makasama si Vice Ganda sa pelikula?

Itinuro niya si Direk Lana. “Siya ang pipili eh, why not?,” pakli niya.

“Depende..Kung mag-push, why not?,” dagdag pa niya.

Sabi nila threat daw siya ngayon kay Vice Ganda.

“Buhkittt?”mabilis niyang sagot sabay tawa.

Lalo na ‘pag parehong pumasok sa Metro Manila Film Festival ang mga pelikula nila.

“Ano ba?Wala namang ganoon. Lahat naman  ng pelikula na nag-submit sa  MMFF, ang gusto nila ay maipakita ‘yung  mga pinaghirapan nila, ganoon. So, I guess lahat ‘yan ay pare-parehas na magagandang pelikula otherwise hindi naman isa-submit, ‘di ba? So, pare-parehas  lang naman kami ng aim na mapasaya at magustuhan ang audience. So, walang ano threat –threat walang ganoon,” bulalas pa ni Paolo.

Paano kung pareho ring pumasok ang Die Beautiful at Enteng ni Bossing Vic? Posibleng magkalaban  din sila sa Best Actor

“Ay ‘di ano..wala naman..I’m sure  hindi naman mada-down si Boss Vic. Siyempre si Bossing ang tagal na nating idol ‘yan. Kasama rin ako sa film niya, eh. Nakita ko na rin ang dedication ni Bossing. Inaabot kami ng madaling araw pero ang lolo mo talagang  deadma lang, masaya lang, alam mo ‘yun. Hindi mo iisipin ‘yung sa tagal niya sa showbiz , sa sobrang successful, wala siyang demand. Hindi siya nagde-demand so, kami kahit pagod na pagod na kami, si Bossing nga hindi nagrereklamo. So, kung mananalo siya of course, deserved niyang manalo,” deklara pa niya.

‘Pag pumasok ba ang movie niya, magga-gown siya sa awards night ng MMFF?

“‘Pag natuyo ang gown ko.Charoot,” pakli niya na nagbibiro.

Ang Regal  Entertainment Inc. ang magre-release ng Die Beautiful na intended for Metro Manila Film Festival 2016.  Ito ay prodyus ng The Idea First Company at ng  Octobertrain Films.

Ayon kay Ms. Roselle Monteverde, may personal attachment sila kay Direk Lana at ang first directorial job nito ay mula sa Regal Films kaya ganoon na rin kung suportahan nila ito.  Dahil dito nagkaroon ng grand welcome presscon courtesy of Mother Lily and Roselle  para kina Paolo B at Director Jun  pagkatapos ng tagumpay  nila  sa 26th Tokyo International Filmfest.

Kasama rin sa pelikula sina Joel Torre, Gladys Reyes, Luis Alandy, Albie Casino, Lou Veloso, Christian  Bables, IC Mendoza, Cedrick Juan at may ilang surprise cameo appearances pa raw  sa pelikula.

Aminado si Paolo na pinahirapan  at pinagdusa siya ni Direk Jun sa pelikulang Die Beautiful kaya nagka-award siya.

Wala siyang time na mag-relax at maupo kasi pagdating niya sa set, siya ang magme-make up sa sarili niya tapos kukunan kaagad at halos lahat ng eksena na kasama siya. Pinagod talaga siya.

“Minsan talaga nababanas na kami. Ha!ha!ha! Minsan ‘yung cut kasi isang buhok lang na naka-ganoon (nakatayo) , uulitin ‘yun hanggang masusuklay, maging flat. Eh, siyempre wig ‘yung buhok namin, paano mo mapa-flat ‘yun? Pero siya, hindi talaga siya titigil hangga’t hindi nakukuha ‘yung gusto niya. Pero at the end of the day,  kapag natapos naman ‘yun , tinitingnan na namin, Diyos ko day, ang ganda ng mga hitsura namin, ang ganda ng shots,” kuwento pa niya.

Blessings in disguise ang pagkakasuspinde sa EB

Na-realize  ba niya na blessings in disguise  ang pagkakasuspendi sa Eat Bulaga kaya nakagawa siya ng dalawang pelikula at nagka-award pa siya?

“Hindi naman blessings in disguise. Lahat naman ay nasa right timing lang. Siyempre, hindi ko naman gusto o ginusto na magbakasyon  sa ‘Eat Bulaga’, hindi rin nila gustong pagbakasyunin ako. Nagkataon, nagka-sala-sala  llang ang tamang panahon,” sey pa niya.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Allen Dizon

Allen sa mga best actor trophy: Priceless ‘yun

NAGING usap-usapan ang pagbebenta nI Jiro Manio ng kanyang 2004 Gawad Urian Best Actor trophy na natanggap para sa …

Teejay Marquez Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Teejay klik na sa ‘Pinas

MA at PAni Rommel Placente ISA si Teejay Marquez sa cast ng pelikulang After All na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Beauty …

Ryza Mae Dizon Enrique Gil

Ryza Mae nawindang sa halik ni Enrique

I-FLEXni Jun Nardo GRABE rin ang naging kilig ni Ryza Mae Dizon nang maging contestant  si Enrique Gil sa …

marriage wedding ring

Magkakarelasyong bakla ‘di tamang bigyan ng bendisyon sa simbahan

ni Ed de Leon DITO sa showbusiness marami kaming nakakasamang bakla sa aming trabaho. Ok …

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Dylan

Dennis at Jen tiyak na magtatagal

INAMIN nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na may panahon palang muntik na rin silang maghiwalay dahil sa selos. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *