Saturday , May 18 2024

Beterano!

Bago pa man sumali sa isang sikat na reality show ang dalawang male newcomer, ratsada na palang talaga sila sa mga rampahan.

As a matter of fact, they can be considered as veterans in this field. Kadalasan pa, magkasamang rumarampa ang dalawa kaya hindi totoong sa nasabing reality show lang sila nagkakilala.

To be honest about it, video footage of the shows they appeared in are now being posted at the social media.

And what’s pretty amusing is the fact that the two Brazilian belles who previously had entered the said reality show are buddies all the while of these two gentlemen. Nangagsisipaglabasan na ang kanilang mga pictures sa social media kaya naman nakaa-amuse namang tunay. Hahahahahahahahahahahaha!

‘Yung Pinoy na pumasok sa nasabing reality show ay kalat na kalat nang taga-Marikina at peke lang daw ang claim nitong he’s from Taguig.

Taguig daw, o! Hahahahahahahahahahahaha!

Para nga naman class at may arrive, ‘di ba naman?

Hindi na problema ang kanyang nosejob dahil natural lang ito at ginagawa nang maraming showbiz wannabees.

Ang problema, ang kanyang batibot video na any moment ay tiyak na kakalat na sa social media.

Kung bakit kasi gumagawa ng mga eyebrow-raising scenes na alam naman nilang pagpipistahan the very moment na sila’y sumikat.

‘Yun na!

SUNSHINE DIZON, RYZA CENON AT GABBY
CONCEPCION, MAY UPCOMING DRAMA SERIES

Once again, ginulat na naman kami ng GMA Network sa pasabog nila as they are set to combine Sunshine Dizon, Ryza Cenon at Gabby Concepcion in one drama serye. Although wala pang title ang naturang programa, excited na kami para rito dahil ito ang first time na makikita sa telebisyon ang tatlo sa pinakamagagaling na aktor ng Kapuso Network.

Napahanga kami ni Sunshine sa natatangi niyang pagganap sa Encantadia as Adhara dahil na-outlive niya ang role niya noon bilang orihinal na Pirena. Si Gabby naman, muling pinatutunayan ang kanyang versatility dahil ngayong nasa comedy series siya na Tsuperhero. ‘Di rin pahuhuli si Ryza Cenon dahil nanggulat sa kanyang extraordinary acting sa kanyang indie film. Congratulations in advance sa lahat ng bumubuo sa team ng seryeng ito.

JETT PANGAN, MAY SINABI
TUNGKOL KAY MARC ABAYA

Marami na ang humahanga kay Jett Pangan at Marc Abaya bilang mga lead vocalist ng kani-kanilang mga banda. Pero for the first time, kakaibang Jett at Marc ang dapat abangan sa telebisyon dahil kasama sila sa newest Afternoon Prime series ng GMA na Hahamakin Ang Lahat. Si Jett, ibinahagi ang kanyang excitement na makatrabaho si Marc sa serye. “It’s gonna be fun kasi it’s a totally different arena. Nagkikita kami sa gigs [ni Marc] and now magkikita kami sa set ng serye,” kuwento ng aktor.

ARRA SAN AGUSTIN
SUPER FAN NI BITOY

Being a poised actress that she is, walang mag-aakala na papasukin ng Kapuso actress na si Arra San Agustin ang comedy. Pero every Friday, present siya na makipagkulitan sa barkadahan ng Bubble Gang. Kaya naman, mas lalo kaming humahanga sa galing niya. Minsan na rin ibinahagi ng dalaga na wala naman daw ibang nag-i-inspire sa kanya na magpatawa kundi ang comedy genius na si Michael V. Sabi niya, “Si Kuya Bitoy, intense. Minsan may mga jokes na hindi ko gets—siyempre, iba-iba tayo ng humor ‘di ba? Ang galing niya mag-deliver, like parang idini-deliver niya wow! [Iniisip] ko kaya ko ba ‘yun? Ang galing niya.”

DELIKADO SI ARCI
KAY MADAM ANNABELLE

Wala talagang utang na loob itong si Arci Muñoz sa taong pinagkautangan niya ng utang na loob.

Imagine, mula sa Channel 7, inilipat siya ni Madam Annabelle Rama sa TV5 kaya siya nagkaroon siya ng career. After which, nang ma-exhaust na ang connection nila sa TV5, binitbit na naman niya ang retokadang babae sa Viva films at naging co-manager siya ni Boss Vic del Rosario.

Sa Viva, nagkaroon ng added brilliance ang career ni Arci retokada dahil nabigyan nga siya ng magagandang projects ng Dos na pinagdalhan sa kanya ng resourceful na Viva big boss.

Tapos ngayon, parang sa Dos na ibinibigay ni Munoz ang credit sa kanyang pagsikat gayong iginapang siya ni Tita Annabelle mula sa GMA, hanggang sa Cinco para mabigyan ng magagandang project ay nagsipsep nang husto si Tita A., kay Perci Intalan.

But so far, now that she’s a talent of ABS CBN, she doesn’t seem to care about Ms. Annabelle’s gigantic effort just to build her up for she believed that her talent would positively go places.

Suffice to say, lahat ng pagpapagod nang kanyang manager ay binalewala niya. Wala na kasing gamit kaya itinapon na lang niya sa isang tabi.

Ingrata, di ba naman?

Anyway, hintayin na lang niya ang pagdating ng karma. ‘Yang soap opera niyang ‘yan, I have this feeling that it would eventually flop.

Eventually flop daw, o! Hahahahahahahahahahaha!

Dapat lang sa mga ingratang tulad mo ‘yan!

Mag-aral ka nga palang umarte dahil mukhang naeebak ang iyong projection.

Mukhang naeebak raw, o! Hakhakhakhakhakhakhak!

‘Yun lang!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *