Monday , October 2 2023

Mag-aama patay sa trike vs armored car (Sa Pangasinan)

DAGUPAN CITY – Patay ang tatlong miyembro ng isang pamilya makaraan mabangga ng armored car ang sinasakyan nilang tricycle sa bayan ng Sual, Pangasinan kamakalawa.

Kabilang sa namatay ang padre de pamilya na si Joel Ruiz, 31; ang dalawang menor de edad na anak na sina Dhaisy Rain Ruiz, 4, at Emegin Ruiz 3, pawang mga residente sa Brgy. Pocal-pocal, Alaminos City, habang sugatan ang inang si Fe Ruiz.

Binabagtas ng mag-anak ang kahabaan ng Brgy. Seselangan, lulan ng kanilang tricycle nang makasalpukan nila ang kasalubong na armored car na minamaneho ni Aljourney Fernandez, 28.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang mga biktima. Isinugod sila sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ang mag-aama.

About hataw tabloid

Check Also

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *