Kaseksihan ni Lovi, bet ni Derek

NAPAAGA ang premiere night ng The Escort dahil papunta ng Hongkong si Derek Ramsay. Wala rin siya sa mismong showing nito sa November 2 pero susuportahan ito ng pamilya niya at papanoorin.

Pero happy ang actor dahil binigyan ng R-13 classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikula nila nina Lovi Poe at Christopher De Leon.

Pinag-uusapan ang The Escort dahil dito nagawa ni Derek ang pinakamahabang kissing scene nila ni Lovi. Umabot ng mga 4 minutes. Baka nga raw namaga na ang labi ni Lovi, huh.

Bet ni Derek ang kaseksihan at proportioned na katawan ni Lovi pati na ang abs at kulay ng balat nito. β€˜Hot’ ang one word na pagsasalarawan niya. Hanggang paghanga lang ang nagagawa niya kay Lovi dahil mayroon siyang karelasyon ngayon na non-showbiz girl.

Ang The Escort ay prodyus ng Regal Entertainment Inc..

ni ROLDAN CASTRO