Saturday , April 20 2024
the who

Staff ng HOR-Media Affairs sinipa na?

SINIPA na pala papalabas ng House Of Representatives (HOR) Media Affairs ang isang staff nila na ating pinuna nitong nakalipas na dalawang linggo.

Yezzzz! As in tinadyakan papalabas ng Media Affairs si Madam staff ayon na rin sa utos ni House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez.

‘Yon ang mamingat!

Kudos SPEAKER!

Kung magugunita, tinalakay natin ang pagtitinda ni Ate ng mga sitsirya at kung ano-ano sa kanilang opisina, pati ang paggamit niya ng refrigerator para malamig daw ang ibinebentang softdrinks sa kanyang mga parokyano.

Wala naman tayong tutol doon sa dagdag kita o pagbebenta ng kung ano-anong abubot ni Ate kasi naman sa hirap ng buhay nating mga Filipino kailangan talagang doble-kayod, ‘ika nga.

Ang kaso lang para magpasok ka pa ng sarili mong refrigerator sa loob ng Kongreso at makigamit ng elektrisidad para sa pansariling interes, ‘di kaya lugi ka no’n?

Tingin mo Ate? Daig mo pa ako ha! Ako walang ref!

Har har har har har!

Kung matatandaan n’yo rin, nang minsang maitoka siya sa pagkain ng media people na nagko-cover sa Congress, aba’y ang daming iniuwing pagkain na halos umangat daw ang harapang bahagi ng kanyang sasakyan!

Walastik sa lufet ‘di ba?!

So heto na nga matapos iitsa sa bartolina ehek! Ilipat ng puwesto si Madam ay namroblema raw siya kasi ‘di niya alam kung paano hahakutin ang kanyang mga paninda at ref.

Patay kang bata ka!

Kasi ang sabi ng Hunyango natin, kailangan pa raw ng forklift at trailer para mahakot ang sandamakmak niyang mga kalakal!

What?!

Bwar har har har har!

Napadausdos tuloy  ako sa upuan ko!

Sumbong sa atin, matapos mailathala ang pinaggagagawa ni Ateng negosyante, imbes magsisi at magbago ay nagparinig pa sa mga kasamahan na “inggit lng daw sila” kaya siya pinabanatan.

Kita n’yo mga kalugar?

Imbes magbago ay nagyayabang pa?

Hayan tuloy nakita mo!

Hak hak hak hak hak!

Basta ako babantayan ko ang susunod na gagawin mo riyan sa bago mong assignment.

MONITOR!

THE WHO? SCANDAL – ni Jethro Sinocruz

About Jethro Sinocruz

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *