Thursday , June 4 2026

Mga tulisan na abogado sa pier

NASA tamang panahon o right timing ba ang ilang abogago ‘este abogado na gumawa ng sariling  sindikatong kumikilos ngayon sa iba’t ibang opisina sa Bureau of Customs?

Aba’y parang fiesta raw sa kanila araw-araw. Sinasamantala nila ang situwasyon habang nakatuon ang liderato sa kampanya laban sa korupsiyon.

Ang isang abogado-gago ay nagtayo umano ng kanilang sariling opisina. At ang BOC ay isang playground na ginawa sa pagpupuslit ng kanilang mga kontrabando.

Dahil daw sa higpit at tapang ng kanilang boss, nagtataka ang marami kung paano raw naisasagawa ang  kawalanghiyaan nang wala man lamang takot at pag-alinlangan si Attorney.

Ang info na nakarating sa atin, nagtayo ng sariling opisina by using other person that will represent them sa transaction sa customs.

Kaya naging very successful sila sa tulong ni ERWIN at MARVIN.

No problem sa pagpagpasa at paglabas ng kanilang mga shipment sa customs.

About 100 containers ang pinakamababa parating/palusot every week ng bagong powerful group. Karamihan ng kontrabandoay pinalulusot  sa Manila International Container Port (MICP) at walang may lakas ng loob na banggain sila at baka sila naman ang resbakan.

Kahit alam na may palaman ang mga kargamento, sila ay nanahimik na lang daw. Sa madaling salita, mabigat silang kalabanin!

Mayroon silang bata  na ang papel ay taga-plano at diskarte kung ano ang dapat gawin sa processing and releasing ng kanilang kargamento.

May ginagamit na sariling TRADING COMPANY (PHT) located sa CHAMP Building.

Ang malupit dito, kumokolekta pa ng ‘tara’ from the player — si bagman alias ERWIN. At kung may sumasaltong kargamento siya rin ang sumasalo o umaareglo na in the end. siya na ang official na kolektor ng ‘tara’ para sa mga kaibigan ng mga attorney.

Si alias Marvin ang lifeline ng tropang ito na tagahanap ng kanilang kliyente.

BOC Commissioner Faeldon, paki-validate ang info na ito o baka naman nagkakamali lang ang ating information.

Public service lang po.

PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …