Wednesday , April 17 2024

Paolo, pinayagan ng Eat Bulaga! na makadalo sa Tokyo Int’l. Filmfest

ANG saya-saya ni Paolo Ballesteros dahil pinayagan siya ng Eat Bulaga na makadalo siya sa Tokyo International Film Festival para i-represent ang pelikula niyang Die Beautiful na magsisimula sa Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3, 2016 na idinirehe ni Jun Lana at produced naman ng Idea First at Asian Future Film.

Sabi ng Program Manager ng Idea First Company na si Omar Sortijas, “masaya si Pao kasi four days siya at mapapanood niya ‘yung premier at makakapaglakad siya sa red carpet. Sana manalo siya (best actor) kasi ibinigay niya ang best niya sa pelikulang ito, ang galing niya, ang gaan niyang katrabaho.”

Dagdag pa, “at sobrang napaghandaan ni Paolo ang movie, kasi pati katawan niya, sobrang ganda niya.”

Nagawa raw ni Paolo ang Die Beautiful noong mga panahong suspendido siya sa Eat Bulaga at sobrang ganda raw talaga ng aktor sa kabuuan ng pelikula.

Sinuportahan si Paolo nina Eugene ‘Uge’ Domingo, IC Mendoza, Inah de Belen, Gladys Reyes, Albie Casino, Luis Alandy, Iza Calzado, at Joel Torre.

“Sobra akong proud kay Paolo sa movie, walang naging problema at si Uge, hindi pa nagpabayad (talent fee),” kuwento pa ni Omar.

Maski raw nagpabayad ang ibang artists ay, “hindi naman sila full-rate, sobrang ganda ng pakikisama nilang lahat.”

Napanood namin ang trailer ng Die Beautiful at ang ganda-ganda nga ni Paolo na nakahiga sa kabaong at kamukha siya ni Angelina Jolie.

“Seven (7) looks ang ginawa niya sa movie, Angelina, Julia Roberts, Myle Cyrus, Beyonce, Lady Gaga, Iza Calzado, at secret ‘yung last,” sabi ni Omar.

Bagay ni Paolo maging beauty queen, in fairness.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *