Wednesday , April 17 2024
Heart Evangelista Chiz Escudero

Heart, sariling pera ang ginamit sa pagpapagawa ng bahay nila ni Sen. Chiz

ANG ganda ng naging takbo ng kuwentuhan ng ilang entertainment press kay Heart Evangelista-Escudero nang mag-renew siya ng kontrata sa Viva Artist Agency (VAA) nina boss Vic del Rosario at Ms. Veronique del Rosario-Corpus.

Napagkatuwaang tanungin si Heart ng kinky questions tungkol sa pagsasama nila ng asawang si Senator Chiz Escudero at talagang game ring sinagot ito ng aktres.

Sa tanong kung sino ang madalas magyaya o mangalabit sa kanila ng asawa, “my God, I think, pareho lang kami, the relationship is very new, so pareho lang kami.

Sundot namin kung gabi-gabi, “hindi naman gabi-gabi, but in a week of course.”

Best time for sex, “gabi, pareho (kami) gabi.”

Lights on, lights off, “lights off.”

Is it sex or chocolates, “sometimes chocolates, ha, ha, ha, ha.”

Speaking of Senator Chiz and Heart, kanya-kanya pala sila ng pera at pati pagbabayad ng bills ay kanya-kanya rin.

“I’m very independent, wala siyang ibinibigay, well, of course ‘pag nagdi-date kami, sagot niya, but with other things, akin.

“Kasi technically now, kapitbahay pa kami, pero he leaves with me, isang compound lang kami sa Woodside (subdivision), so townhouse ‘yun.

“But of course, we have to move our own soon, I’ll make a house, so they’ll move with me, matagal ko nang ipinagagawa ‘yung house, ibinabahay ko na siya,” pagtatapat ni Heart.

Naikuwento rin ni Heart na nagpapagawa siya ng bahay nila ni Senator Chiz at sariling pera niya ito at nasa pangalan niya.

“Seryoso, kasi it’s better like that, kunwari, when I have my own, it’s different, we’re very modern, we’re Filipino ganyan, but again, we have a modern family, it’s same with my family.

“Kasi my dad was married before and my mom was married before, his and hers, ours sila parang ganoon din mangyayari sa amin and it’s better and I don’t like to talk about money. And now a days kung sino ‘yung mas kumikita, bakit ka magpapaka-selfish?

At habang wala pang sariling bahay ang mag-asawa, “tulog siya (Chiz) sa akin everyday/every night, the kids stay with their house pero magkakasama kami ‘pag dinner everyday. Malapit lang naman kasi ang bahay nila kaunting lakad lang.”

Kaya wala silang conjugal property dahil may pre-nup pala ang mag-asawa.

“Oo walang (conjugal) love lang kami,” natawang sagot ng aktres.

“Kasi nga, we have a pre-nup, both. So what’s mine before and after will be mine, ganoon din sa kanya (Chiz) kasi we have a modern family, I don’t like to discuss about money, he has two children and then I have rin my own (soon) so ayoko ng may mag-aaway-away pa or what. So anuman ‘yung sa kanila, kanila para malinis,” paliwanag ni Heart.

At kung lilipat na si Senator Chiz sa bahay niya o sa bahay na ipinagawa niya ay ano ang magiging kontribusyon ng asawa?

“Mag-uusap palang kami, ha, ha, ha,” natawang sabi ni Heart.

Pre-nuptial agreement

Si Senator Miriam Santiago raw ang nag-suggest na magkaroon sila ng pre-nuptial agreement para walang maging problema pagdating ng araw at ito rin pala ang hiniling ng magulang ni Heart para pumayag silang magpakasal ang aktres kay Senator Chiz.

Kaya sa bahay na ipinagagawa ni Heart ay apat ang kuwartong ipinalagay, “well, kaya naka-plano (bahay), kasi I only want to have one (kid), ‘yung dalawa, para sa kids niya (Chiz), at ‘yung isa para sa baby ko at kuwarto namin.”

Baka sa Pebrero 2017 na raw puwedeng lipatan nina Heart at Chiz ang bahay pero kung pipiitin nilang lumipat ng Disyembre, “wala pang kitchen, magpa-party lang kami roon, tatakpan ko na lang, buffet na lang muna.”

Bakit nga ba wala pang kitchen? “Kasi siyempre, lahat ‘yun especial, ipapa-customize, hindi pa matatapos, it’s too rush,” esplika sa amin ni Heart.

Simpleng bahay lang daw ang ipinagagawa ni Heart at walang swimming pool, “it’s just too much to maintain, hindi mo naman magagamit (parati),” katwiran nito.

Mga anak ni Chiz, excited sa magiging baby nila

Naibahagi rin ni Heart na excited daw ang kambal ni Senator Chiz sa pagkakaroon nila ng kapatid at nag-aagawan pa.

“They’re the ones who are very excited, kasi sabi ko, ‘we’ll having one,’ sabi nila, ‘boy-girl’. So, noong nagpilian na ng kuwarto, they (twins) decided that the baby would be in between two rooms (twins),” nakangiting kuwento ng aktres.

Posibleng maging kambal din ang magiging anak nina Heart at Senator Chiz dahil both sides ay may lahing kambal.

“Kung ibibigay why not, but I’m very practical you know, you want to make sure that you give them a good future, the best education and mahahati at mahahati ang (atensiyon),” katwiran ni Heart.

Hindi naman itinanggi ng magandang wifey ni Senator Chiz na, “I think I would be hands-on mom, and I think, I would be spoiler and definitely breast feed.”

Pagiging magastos, madalas pagdebatehan

Nakuwento rin ni Heart na ang madalas nilang pinagde-debatehang mag-asawa ay ang pagiging magastos niya dahil parang wala ng kinabukasan kapag nag-shopping siya.

“He’s very, very good with budgeting, that’s why when it comes to my money, he (Chiz) doesn’t hold my money, but he advises me ‘don’t overspend this much, how many bags do you get? You have to stopped, you wait for the next year, ganyan.’”

Ganoon daw ka-wise ang asawa niya pagdating sa budgeting, pati nga raw ang magarbong kasal nila na ginawa sa Balesin Island ay hindi sila naglabas ng pera, “may sponsors kami, laking tulong ng GMA 7 actually, everything.”

Pagbaba ng value ng Hermes, ‘di totoo

Samantala, lakas loob naming itinanong ang naririnig naming usapan ng outside showbiz na bumaba raw ang value ng Hermes simula raw noong mausong pinturahan ito ni Heart.

“Actually no! It’s the other way around, in fact Hermes Manila, they’re very supportive of me.

“Sometimes I have client na gusto ganito – ganyan, the only reason why I paint in Hermes alone it becomes higher, you can auction it. That’s what they do in Europe, you just don’t punctured the bag, there’s maybe, it will go down except you’re Lady Gaga.

“‘Coz Lady Gaga, nilagyan ng spikes ‘yung Hermes niya, eh. But when you paint on it, it becomes art work, it’s auctioned now,” paliwanag mabuti ni Heart.

Tumataginting na P90,000 daw ang singil ng aktres sa bawat bag na pipintahan niya na matatapos sa loob ng apat na buwan.

“So, send me your bags, I’ll paint it for four moths, but now it’s five months ‘coz I have others to paint, kasi naka-wait list,” sabi pa.

Acrylic daw ang gamit ni Heart sa pagpinta ng Hermes bags at oil naman sa malalaking paintings nito.

Sa tanong kung bakit puro mukha ang ipine-paint niya? “Mahilig akong mag-make up at ‘yun ang signature style ko, usually ang client that’s what they asked.

“Kasi when you’re getting to buy a painting, mas mahal ang may mukha kaysa set design, kasi detailed at mas mahirap gawin and I do it for six months, matagal din,” kuwento pa ng aktres.

Willing gumawa ng movie kasama si Echo

Anyway, naglalaman ng pelikula at TV commercials ang pinirmahang kontrata ni Heart sa Viva sa loob ng dalawang taon at nakaka-limang taon na siya kina boss Vic at Ms. Veronique.

Kino-conceptualize pa ang gagawing pelikula ni Heart sa Viva, “akala kasi nila (management) hindi na ako magmo-movies, sabi ko gagawa ako, at least one movie in two years? Okay ako gumawa.”

092816-heart-echo

At dahil nagko-co prod naman ang Viva Films at Star Cinema sa mga pelikula nina Anne Curtis at Vice Ganda, willing ba si Heart gumawa ng pelikula kasama ang kanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales?

Ang bilis ng sagot ng aktres, “Of course! You know, at the end of the day, we got bills to pay, we’re gonna be practical.”

Okay na ba sila ni Echo? “I don’t know, kasi after the break-up wala na, hindi na kami nagkita. Okay lang siguro (maging okay). I don’t know, ask him (Echo). I’m okay, I’ve been okay, there’s no issue.”

Sabi pa, “I have no problems working with him (Echo).”

Gayundin ang asawang si Senator Chiz kung magkaka-project sila ni Echo, “he has no problem.”

Napapanood ba ni Heart si Echo sa TV o nakikita sa print o sa billboard at ano ang nararamdaman niya?

“Minsan. Okay naman. We didn’t have a problem with each other naman talaga, it’s a known fact that it was my parents who didn’t want us together, so I don’t at all hate him (Echo),” pag-amin ni Heart.

May closure na ba sina Echo at Heart? Parang wala pa kasi biglang nabalitang hiwalay na sila pagdating ng aktor galing ng Malaysia na nag-shoot ng seryeng Kahit Isang Saglit kasama si Carmen Soo.

“Yes! He got married and I got married, that’s good enough closure,” mabilis na sabi ng aktres.

Biro pa ni Heart, “tulad nina Jennifer Aniston (Brad Pitt), may closure na ‘di ba?”

Ang galing ng sumagot ngayon ni Heart, naturuan ba siya ng asawang senador, “no, life taught me,” mabilis na sagot nito.
FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Hajji never pang nabastos ng mga batang celebrity

HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto. “Kasi …

Lipa Batangas

Lipa City dinaragsa ng mga turista

DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin …

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *