Saturday , July 27 2024

Jay, tiyak na hahangaan at iidolohin sa Pusit

WALA akong natandaan na nakagawa na or tumanggap na ng gay role ang magaling na aktor na si Jay Manalo. Pero sa indie film na Pusit, buong ningning na tinanggap ni Jay ang isang mapangahas na role ng isang bakla na positibo si HIV virus.

Napapanahon ang pelikulang ito ni Direk Arlyn dela Cruz dahil naglipana ngayon ang may ganitong uri ng karamdaman na kadalasan ay nakukuha sa pakikipagtalik lalo na ng lalaki sa lalaki.

At ang nakababahala, marami sa mga may ganitong sakit ang hindi pa natukoy ng ahensiya o maging sila ay hindi pa nagpapatingin kaya ‘di nila alam na carrier pala sila ni Aida Macaraig (AIDS) kaya ang tendency nakikipagtalik pa sila kung kani-kanino lalo na kapag may face value sila.

Mayroon namang iba na alam na nilang positibo sila sa AIDS kaya ang ginagawa nila nakikipag-sex pa rin sila para manghawa.

Ang Pusit ay colloquial term for “Positive” o positibo sa AIDS.

Ayon kay Eric Borromeo, PR ng nasabing pelikula, ibang Jay Manalo ang mapapanood dito. Kung dati nyo na siyang hinangaan dahil sa  magaling na pagganap sa mga role na ibinigay sa kanya, rito raw sa  Pusit ay lalong hahangaan at iidolohin.

Bukod sa Pusit, aabangan din natin ang isa pang obra ni Direk Arlyn, ang Higanti na ang kuwento ay tungkol naman sa pagresbak ng isang taong inaapi at sinasaktan.

MAKATAS – Timmy Basil

About Timmy Basil

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *