Sunday , April 21 2024

De Lima hindi magre-resign

MASAMANG-MASAMA ang loob ni De Lima, umano’y halos 2K katao ang binulabog siya sa text. Mga hate messages at death threats daw ang nilalaman ng mga text. Ito raw ay matapos i-announce ang kaniyang number sa senate hearing.

Wala na raw siyang privacy simula noon, kinakailangan niya na rin iwanan pansamantala ang sariling tirahan, tingin niya hindi na siya safe doon sa ngayon. Nangangamba siya sa kaniyang seguridad.

Kahapon, sinabi ni De Lima na hindi siya magre-resign, dahil aniya, siya nga raw ang nape-pressure dahil naiipit siya sa mga akusasyon laban sa kaniya. Sa ngayon ayaw na rin niya muna magsalita pa at baka magalit lang lalo ang mga bumabatikos sa kaniya.

HINDI RAW NA-TORTURE
ANG MGA WITNESS

Kasalungat ng naging pahayag ni Sen. Leila De Lima sa kaniyang talumpati, na na-torture raw ang inmates para gumawa ng mga kuwento laban sa kaniya, ay sinagot ito ni Cong. Reynaldo Umali.

Paniniwala ng kasalakuyang House Justice Committee Chair, hindi na-torture ang mga witness. Ang mga witness daw ay mga kalmado sa hearing, maski ang mga pahayag ay established at hindi pabago-bago.

Gusto rin niyang makakuha ng mga dagdag pang impormasyon mula kay Jb Sebastian. Gusto nilang makapunta si Sebastian at ang naging security aide ni De Lima na si Jonel Sanchez sa mga darating na hearing.

NO MORE SURPRISE WITNESS

Matapos mapatalsik si De Lima bilang Committee chairperson ng hearing ukol sa extra judicial killings, kahapon sa harapan niya ay naglathala ng mga bagong rules ang pumalit sa kaniya na si Sen. Richard Gordon.

Sinabi ni Gordon na wala nang puwedeng mag-witness not unless, na makapagbibigay muna ng kanilang affidavits sa committee chair.

Wala na rin daw puwedeng maging surprise witness, and only under exceptional circumstances lang puwedeng payagan.

Binawalan na rin ni Gordon ang mga paulit-ulit na tanong ng mga Senador at nililimitahan lang sa 10 min. ang oras ng pagtatanong.

JB SEBASTIAN
NAKIPAGTALIK DAW
KAY DE LIMA

Ayon kay JB Sebastian, si De Lima daw ay isang nymphomaniac. Napatunayan niya daw ito nang yayain siya ng senadora na makipagtalik siya, kapalit daw ng kaniyang proteksiyon sa bilibid.

Pumayag daw si Sebastian kahit napipilitan, sa kasunduang hindi papasukin ni De Lima ang kaniyang baluwarte sa bilibid. Hiniling niya rin daw kay De Lima, na ang pasukin sa oras ng raid ay mga baluwarte nila Colangco at iba pang Chinese drug lords.

Totoo kaya ito?

MGA KUWENTO NI MRS. OX – Marnie Stephanie Sinfuego

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *