Wednesday , April 17 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sindikato sa PCSO maaresto kaya nina ex-PNP Gen. Jose Jorge Corpuz at Marine Major Gen. Alexander Balutan?

NAUNA nang sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na  ang gusto niyang italaga sa Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) ay ‘yung ‘KILLER!’

Dahil ‘yan daw PCSO ay isa sa mga pinaka-corrupt na ahensiya sa pamahalaan.

Agree tayo riyan, Mr. President!

Kaya ang itinalaga niya bilang Chairman na awtomatikong miyembro ng Board of Directors ay si dating PNP Gen. Jose Jorge Corpuz; at  general manager naman si dating Marine Major General Alexander Ba-lutan, member din ng Board of Directors.

Klarong-klaro na ang PCSO ay ‘sadlakan’ ng mga dapat bayaran ng ‘utang na loob’ at ginagawang salukan at sandokan ng salapi ng mga ‘politikong’ nailuluklok sa Malacañang.

Pero ang nakaririmarim dito, ‘yang PCSO, ay isang ahensiyang supposedly ay tumutulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong-pinansiyal sa kanilang pangangailangang pinansiyal lalo na ‘yung mga nasa ospital at nakaratay dahil sa terminal illness gaya ng cancer.

FYI lang po, ang PCSO ang namamahala sa Lotto, STL, EZ 2 at iba pang lisensiyadong game of chance na tinatangkilik ng marami nating mahihirap na kababayan sa pag-asang maka-jackpot sila nang milyones para mabago ang kanilang buhay.

Alam naman ninyo sa isang bansang nahulmaan ng kulturang piyudal at kolonyal, marami ang naniniwala na ‘salapi’ ang sukatan ng magandang buhay.

Anyway, mas marami ang mga taong ganyan ang kaisipan lalo’t ang lahat ng materyal na pangangailangan sa mundo ay ‘matagumpay’ na naikabit ng sistemang kapitalismo sa komersiyalismo.

092016-pcso-corpuz-balutan

Ibig sabihin lang po, ang nagpupundar ng kuwartang pumapasok sa PCSO ay mula sa pasampo-sampong piso o pabeinte-beinte pesos na taya ng isang pangkaraniwang mamamayan o ‘yung mga mamamayan na umaasang makukuha nila ang jackpot na milyon-milyones.

‘Yung mga manunugal kasi na masasabi na-ting namumuhunan ay sa Casino natin nakikita.

Pero gaya nga ng sinabi ng Pangulo, mara-ming  eskema sa loob ng PCSO ang ginagamit ng mga nuknukan sa kasuwapangan sa salapi.

Pinakamaraming eskema na dapat busisiin sina Chairman Corpuz at GM Balutan sa ADVERTI-SING and marketing ng PCSO.

Kapag mga dukha ang humihingi ng tulong, halimbawa, P50,000 ang kailangan, bibigyan ng P10,000 pagkatapos nang paulit-ulit na pagpapabalik-balik.

Pudpod na ang tsinelas, ang laki pa ng nagastos sa pasahe tapos P10,000 ang ibibigay sa pangangailangan na P50,000.

Wattafak!?

Pero kapag ang mga kliyente nilang ad agency o binibigyan na TV/RADIO ads, milyon-milyones ang inire-release na tseke!

Nakapagtataka na wala namang ibang negosyo o hanapbuhay pero ang gagara ng bahay, kotse at nakapagpapaaral sa mga hi-end na eskuwela-han ang mga anak ng mga hinayupak na manggagantso sa PCSO!

Pero ‘yung mga dukha nating kababayan, na-ngamamatay na hindi nalalapatan ng lunas sa mga public hospital. Hindi ‘raw’ kasi nagbibigay ng tulong ang PCSO kapag nasa private hospital ang pasyente. Kahit ‘yung mga pasyente sa payward ng mga public general hospital.

Sana nga ay totoo ‘yan!

Kaya ang mga pasyenteng umaasa sa tulong nila sa charity ward ng mga public hospital nagpapa-confine. Nagtitiyaga sa sobrang init at inconvenience sa nasabing ward.

O baka naman kasama pa rin ‘yan sa eskemang huthutan at palakasan?!

Palalabasin na nasa public hospital ‘yung kaibigan o kaanak nila pero naka-confine pala sa St. Luke’s o kaya ay dialysis patient sa mga mamamahaling ospital.

Mr. President, please lang po, sana’y busisiin nang maigi nina Chairman Corpuz at GM Balu-tan ang sandamakmak na ‘eskema ng pagnanakaw’ diyan sa PCSO.

Doon naman sa mga hindi tinatamaan ng kahihiyan sa katawan at patuloy na nagpapakalinta sa pondo ng PCSO — bahala na ang mga kaluluwa ng mga naagrabyadong pasyente sa inyo!

Ang tatakaw ninyo! Mga hidhid!

EMILIO DE QUIROS NAPAGKIT
NA BA ANG PUWET SA SSS?!

092016-de-quiros-sss
NAGKILOS-PROTESTA ang isang grupo ng manggagagawa para manawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na huwag nang italaga si SSS President & CEO Emilio De Quiros at para tutulan ang pagtaas ng kontribusyon na walang dagdag na benepisyo at isabatas muli ang P2,000 dagdag na pension na ginanap sa Tomas Morato Ave., Quezon City (Kuha ni RAMON ESTABAYA)

Ito pa ang isang kakaibang klaseng nilalang(?)

Hindi  ba’t nagbaba na ng Memorandum No. 4 ang Malacañang na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinababakante sa lahat ng appointees ng nakaraang administrasyon ang kani-kanilang puwesto?!

‘Yung dating PCSO Chairman na si Erineo Maliksi, agad tumalima. Ganoon din ang iba pang pinuno ng ibang ahensiya ng pamahalaan.

Pero iyong itinalagang SSS president ni PNoy na si Emilio De Quiros Jr., mukhang ayaw kumalas sa SSS at balita natin ay humahanap ng padrino mula sa leftist group na nakabase sa UP para manatili siya sa puwesto?!

Ang tindi mo bata!

Tapyasan mo kaya ang kalyo sa mukha mo, Mr. De Quiros!? ‘E wala ka man lang nagawang kabutihan sa SSS members. Meron ba?!

Ang dami mong pinahirapang overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan.

SSS ID lang kasi ang kinikilala ng MECO noon para payagan makakuha ng kontrata ang isang OFW sa Taiwan.

Ang ginagawa ng administrasyon ninyo, ina-abot ng isang buwan o 30 araw bago i-release ang SSS ID.

Ang dami tuloy ‘fixer’ na nakahuthot sa mga OFW bound for Taiwan para agad mai-release ang kanilang SSS ID.

Umalis ka na riyan, De Quiros!

Sobra na, tama na! Umaapaw na ang kalyo sa mukha mo!

NSC ADVISER, GEN. HERMOGENES
ESPERON & PRESIDENTIAL LEGAL
ADVISER ATTY. SALVADOR PANELO
SA KAPIHAN SA MANILA BAY

092016-esperon-panelo

Bukas magiging panauhin sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila sina National Security adviser Gen. Hermogenes Esperon at si  Presidential Legal adviser, Atty. Salvador Panelo.

Alamin natin ang mga pinakabagong patakaran o polisiya at mga pangyayari sa Malacañang, straight from the horse’s mouth.

Kapihan sa Manila Bay, tuwing Miyerkoles, 9:00 hanggang 11:00 ng umaga.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *