prison rape

Humalay sa 6-anyos sa Pampanga nadakma

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado sa Brgy. San Nicolas, Tarlac City ang isang lalaking No. 7 most wanted person bunsod nang panggagaha sa isang 6-anyos batang babae noong 2015 sa San Simon, Pampanga.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Edmart Gutierrez y Cabilin alyas Mac-Mac, 19, construction worker, suspek sa panghahalay sa kanyang kapitbahay.

Ayon kay PO2 Mary Jane T. Genobili, naaresto kamakalawa ang suspek makaraan ang isang taon pagtatago sa Tarlac City.

( LEONY AREVALO )