May happy at umiiyak na punerarya!
MARAMING natuwa sa bumababang crime rate mula nang umpisahan ng duterte administration ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Hindi maiiwasan na may buhay na nalalagas sa hanay ng mga pusher at addict sa tindi ng anti-illegal drug operation ng ating pulisya.
Isa sa happy sa kanilang negosyo ngayon siyempre, ang mga punerarya.
E mantakin naman nβyo, walang puknat ang mga bangkay ng mga umanoβy tulak at adik tuwing gabi sa Metro Manila.
Pero may mga punerarya rin na umiiyak sa kanilang negosyo ngayon.
Bakit kanβyo!?
Wala kasing pamilya na tumutubos sa bangkay o walang pantubos ang pamilya sa punerarya.
May pusher pala na walang pera!?
Talo raw sila kaagad dahil awtomatik na magbibigay sila ng porsiyento sa pulis sa distritong nakasasakop sa lugar kung saan nakuha ang bangkay.
Paano kung walang tumubos at nakatengga lang ang bangkay!?
Lugi negosyo!
Wala rin daw maasahan na tulong ang pamilya sa kanilang barangay chairman para sa maayos na burol at libing.
Ang iba namang barangay chairman ay may raket din dahil may sarili silang kontak na punerarya na nagbibigay ng konsomisyon βeste komisyon sa kanila.
Saan ngayon lulugar ang mga punerarya!?
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
