Globe wi-fi sa NAIA mas mabilis pa ang data at sariling network ng pasahero

IPINAGMAMALAKI ng dating administration ng Manila International Airport Authority (MIAA) na mayroong wi-fi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Mayroon naman talaga.

โ€˜Yun nga lang, mas mabilis pa ang data o ginagamit na network ng pasahero.

Ang nakatatawa pa, kapag naka-on o connect ang wi-fi ready para masagap ang neotwork ng NAIA, bumabagal pa ang pag-i-internet.

Kaya ang ginagawa ng inyong lingkod, ini-o-off na lang ang wi-fi at network (LTE) ang gina-gamit. Kaysa naman makunsumi at ma-stress lang sa kupad ng wi-fi sa NAIA, i-off na lang.

Kaya naman nang mabalitaan natin na mayroong instilasyong gagawin ang MIAA ngayon para bumilis ang wi-fi sa NAIA โ€˜e natuwa naman tayo.

โ€˜Yan daw ay PLDT SMART.

Tutsugihin na raw โ€˜ata nila ang Globe!? Harinawa. Harinawang mapalitan ang mga bulok at mapalitan ng bago at mabilis ang wi-fi sa NAIA.

Aasahan po namin โ€˜yan, MIAA GM Ed Monreal. And thank you!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]

BULABUGIN – Jerry Yap