BoC dapat doblehin ang talas at pagbabantay kontra ilegal na droga

Kamakalawa, nakasabat na naman ang BOC-ESS Anti-Illegal drug task force ng 5,000 piraso o P7.5 milyong halaga ng ecstacy mula Netherlands.
Nasabat ito sa Manila Central Post Office ng pinagsanib-puwersang Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, Port of Manila Collection District at Philippine Drug Enforcement Agency.
Kailangan talagang higpitan ng Customs ang kanilang pagbabantay laban sa ilegal na droga lalo na βyang party drugs na ginagamit ang air/sea parcel sa kanilang drug trafficking.
Hindi kasi madaling ma-detect βyang mga party drugs na βyan kaya kailangan nilang makapag-isip ng bagong detector para rito.
Pansamantala, kailangan talaga ang tiyaga sa pag-i-inspeksiyon kaysa naman malusutan sila ng malalaking sindikato.
Anyway, congratulations Customs Commissioner Nick Faeldon and DepComm. Enforcement group Arnel Alcaraz, keep up the good work!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
