Saturday , December 10 2022

Jericho at Arci, nagkakatawanan sa kanilang mapanuksong eksena

SA nakaraang grand presscon ng bagong teleseryeng Magpahanggang Wakas ay tinanong sina Jericho Rosales at Arci Munoz kung kinailangan nilang dumaan sa sensual workshop dahil marami silang eksenang magkaniig sa napakagandang Caramoan Island na matatagpuan sa Camarinez Sur.

Pagkatapos ng Q and A namin nakatsikahan ang dalawang bida ng serye na patuloy na inaasar ni Echo si Arci.

Sabi muna ng ni Jericho kay Arci, “o, kaya mo ‘yan (sagutin).” Habang naka-nguso naman ang dalaga at sabay bulong sa amin ng, “nahihilo ako.”

Anyway, ang sagot ni Echo kung may sensual workship sila, “wala! Wala na, pero nagkakatawanan lang kami. Naiilang kami ng kaunti kasi first time naming mag-meet ‘di ba, tapos diretso kaagad kami ng Caramoan, siyempre pini-feel pa namin ang isa’t isa. Medyo awkward noong umpisa, pero nairaos na rin namin.

“Nag-bond kaming dalawa sa Caramoan. Kuwentuhan kaming dalawa, nagbabad kaming dalawa sa lobby ng hotel, nagkuwentuhan ganyan, that’s the best (thing) that we could do.

Pahayag naman ng dalaga, “hindi naman po, I’m very comfortable with Echo and maganda ‘yung eksena, eh. Walang ganoon. At saka propesyonal naman ‘to (sabay tingin kay Echo).”

Wala bang naramdaman ang dalawang bida sa isa’t isa lalo’t dalawa lang sila sa napakagandang isla?

Mabilis na sagot ni Echo, “Of course, when you’re doing scenes, you feel the love, you feel excitement, kasi siyempre nagpi-play kami ng character (in love) kaya hindi mo dapat pigilan ‘yung sarili mo. Kapag nasa scene ka na, ‘yun na ‘yun, ‘di ba?

“Of course working with her (Arci), you know parang gave us the opportunity to be friends kaya ini-enjoy namin ‘yung beach na pareho kaming mahilig sa beach, mahilig din siya sa mga kung ano-anong mga bagay.”

Ipinagpaalam ba ng aktor ang mga mapanuksong eksena niya sa asawang si Kim Jones.

“Si Kim would be.. papagalitan ako niyon kapag half-bake ako sa trabaho. At saka we’re both (Arci) in a relationship, I know her boyfriend (Badi del Rosario), magkakilala kami,” pangangatwiran ng aktor.

Si Arci rin ba ay nagpaalam sa kanyang boyfriend na balitang may pagka-seloso?

“With my work naman, hindi naman niya ako pinakikialaman, alam naman niya na trabaho lang talaga.

“And si Echo naman ay kilala niya, hindi naman siya seloso, okay naman, kilala niya (Echo). Siya (Badi) nga ang una kong sinabihan noong malaman kong makakatrabaho ko si Echo, sabi niya (Badi), ‘oh, that’s good. Say hi give my regards (kay Echo). Hindi siya (Badi) seloso, very supportive siya,” pahayag naman ng dalaga.

Tinanong namin si Arci kung napipikon siya kapag pinaglalaruan siya sa set ng Magpahanggang Wakas lalo’t tinutukso siyang boses Sto. Nino ng leading man niya.

”Hindi, ginu-goodtime ko rin sila,” sabay tingin ng dalaga sa leading man.

Nakita natin Ateng Maricris na nakatutuwang i-bully talaga si Arci dahil habang nakaupo siya sa entablado sa ginanap na Q and A presscon ay kung ano-ano ang pinagsasasabi na boses kikay at bumubulong pa kaya nasabihan siya ni Echo ng, ‘sintu-sinto.’

Napapanguso na lang si Arci sa mga pang-aasar sa kanya ng aktor. Pero maski na binubuska ang dalaga ay pawang papuri naman ang sinasabi niya sa leading man niya.

“He (Jericho) made me feel really comfortable in every scene kasi pressured ako na makatrabaho sila. Ginagabayan niya ako, sinasabi niya.’uy ang galing-galing niya, sobrang galing niya, minsan nai-intimidate ako, pero hindi niya ipinaramdam sa akin ‘yun.

“Napaka-simple niyan (Echo). Thanks din kay direk FM kasi sobra rin niya akong gina-guide sa character ko, akala n’yo lang ano, biglang lumabas (acting), hindi, siya ‘yun.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

vhong navarro tanya bautista

Tanya masayang-masaya sa pansamantalang paglaya ni Vhong

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan. Nitong …

Alfred Vargas

Alfred Vargas, passion ang showbiz at paglilingkod sa bayan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKATATLONG termino bilang congressman ng District 5 ng Quezon City …

Blind Item, Male Celebrity

Newcomer nalungkot, P3,500 lang ang pay sa pagbubuyangyang

ni Ed de Leon FRUSTRATED ang isang new comer, kung ano-ano raw ang ipinagawa sa kanya sa …

Vilma Santos Roderick Paulate

Sitcom nina Ate Vi at Kuya Dick naunsyami; Commercial, pelikula nakapila na

HATAWANni Ed de Leon APEKTADO na naman ang schedule ng dapat sana ay haharaping trabaho …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo tinawag na cheap, na beastmode

MATABILni John Fontanilla HINDI nakapagtimpi at pinatulan na ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang netizen na inilarawan …

Leave a Reply