Thursday , December 1 2022
Boobsie Wonderland
Boobsie Wonderland

Boobsie Wonderland, grabe ang galing sa katatawanan!

MAGSASABOG na naman ng isang libo’t isang katatawanan ang napaka-in-demand na comedienne na si Boobsie Wonderland sa gaganaping concert sa Music Museum sa September 17, Saturday. Pinamagatang Grabe Sya, O!, special na bisita niya rito sina Michael Pangilinan at Nikko Natividad, plus may surprise guests.

Ilang beses na naming napanood sa show ang komedyana at talagang nakaaaliw siya. Bukod kasi sa kakaibang brand ng comedy ni Boobsie, magaling din siya sa kantahan. Kumbaga, total performer talaga siya. “Masayang-masaya po ako as in, unang-una ay kabilang na po kami talaga ni Ate Gladys (Guevarra) sa Sunday Pinasaya at nakasama po kami sa aming unang anniversary noong nakaraang linggo at sa mga susunod pang linggo. Masaya rin po ako at napapasama ako sa shows abroad, masasabi ko pong kinagigiliwan na ako ng mga producer.

“Kasi dati, mukhang hindi e,” pabirong hirit ng komedyana.

“Speaking of producer, naku may sumugal po sa akin para ipag-produce ako ng solo show sa Music Museum sa darating na Sept. 17, Saturday po ‘yan. Ang title ng show ko Grabe Sya Oh with Michael Pangilinan at #Hashtag Nikko Natividad at marami po akong mga guests at surprise guests. Kakaiba po itong show ko kasi ipapakita ko po rito ang iba’t iba nilang kinagigiliwang si Boobsie,” esplika pa niya.

Nagpasalamat din si Boobsie sa kanyang mga pinakakautangan ng loob. “Nagpapasalamat po ako sa Sunday Pinasaya at Conan My Beautician sa pagbibigay nila sa akin ng break upang matamasa ang ganitong pagkakataon. Maraming salamat po Mamu Andrew de Real at Boss Allan K, ganoon din po ang pumanaw na si Kuya Germs, salamat po. Pati kay Tito Jobert Sucaldito na walang humpay ang pagmamahal sa akin.

“Iniimbitahan ko na rin po ang mga kababayan natin diyan sa America, sa September 23 at 24 ay nandiyan po kami nina Ate Marian Rivera at Kuya Dingdong Dantes with Ate Gay and Boobay.”

ALAM MO NA! – Nonie V.  Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Winner ng Prince Tourism Ambassador Universe 2022 na si Paolo gustong makatrabaho si Daniel

MA at PAni Rommel Placente GWAPO, mahusay rumampa, outstanding ang talent portion, at nasagot with …

Bianca Gonzalez

Bianca minsang naabuso sa isang relasyon 

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang social media post ay ibinahagi ni Bianca Gonzales na noong …

Rhian Ramos Sampaloc

Rhian namigay ng pangkabuhayan sa mga mami sa Sampaloc

I-FLEXni Jun Nardo PANGKABUHAYAN ang handog na training ni Rhian Ramos sa single mothers sa Sampaloc, Manilang …

Leave a Reply