Wednesday , May 8 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PAGCOR casino pit manager nanalo ng P34.4-M sa slot machine

MUKHANG masusubo talaga sa isang seryosong paglilinis sa Philippine Amusing and Gaming Corporation (PAGCOR) si Chair Andrea “Didi” Domingo.

Kamakailan, pumutok ang balitang nanalo ng P34.4 milyones ang isang PAGCOR Casino PIT manager.

‘Yang panalong ‘yan ay sa halagang P500 lamang.

Dinaig ni PIT manager ang isang local government official na may dalang isang bag na kuwarta dahil alam nga niyang ‘puputok’ na ‘yung slot machine.

Noong manalo kasi dati si LGU official, namuhunan din siya nang halos P3 milyon at sa huling P50,000 pumutok ang slot machine.

Tumataginting na P3 milyones ang naiuwi ni LGU official. Tiyempong-tiyempo noon na malapit na malapit na ang eleksiyon.

091116-bagman-money

Anyway, ang isyu rito, paano pinayagang maglaro ang isang lisensiyadong PAGCOR Casino PIT manager sa isang casino na nasa ilalim ng pamamahala ng nasabing ahensiya?!

At higit sa lahat, pinayagan pang makubra ang panalo niya?!

Isang malaking iregularidad ‘yan!

Noong una ay hindi pa umano pinayagang makakubra ng panalo pero ang ginawa ng Casino Pit manager ‘e tumawag ng abogado.

Hayun nasindak sa abogado kaya ibinigay din ng Casino ang napanalunan.

Kung hindi tayo nagkakamali ay kinuhang cash ‘yung butal na P4.4 milyon at ipina-manager’s check ‘yung P30,000,000.

Ang tali-talino mo naman Sir!

Mukhang taya-pato na rin ‘yung Casino PIT manager, e ano nga naman kung mawalan siya ng trabaho o matanggalan ng lisensiya ‘e meron na siyang P34.4 milyones?

PAGCOR Chair, Madam Andrea Domingo, ma’am, marami na pong nagrereklamong lehitimong Casino players, kailan po ninyo ipatutupad ang Memorandum No. 4?

Pakisudsod na po!

MAGPALIWANAG KA BRGY. CHAIRMAN VELOSO

Sir Jerry isusumbong ko lang sana ‘yung Chairman namin na si RAMON VELOSO ng BRGY. MASAMBONG DIST. 1 QUEZON CITY at lahat ng mga KAGAWAD niya sa pagiging inu-til, bulag, moro moro at ningas kugon sa pagsugpo ng droga, illegal parking, obstruction sa bangketa, tambay sa disoras ng gabi, kulang sa police visibility atbp. Tnx po.

+63933668 – – – –

TALAMAK PA RIN ANG DROGA SA SITIO
LOWER BARIMBAO TANDANG SORA QC

GoOd day po sir jerry yap, sana po bulabugin na po ang sitio lower barimbao dahil hanggang ngaun po, talamak pa rin ang droga, e2 po bu0ng address po, Sitio Lower Barimbao, Pasong Tamo, Tandang Sora, Quezon City, ni hndi namin naramdaman na nakarating ang galamay ni presidente, sana po masugpo na lahat, at bigyan pancn po, ang lugar na un, at pakiuzap don’t publish my number.senior citizen.

+63910479- – – –

HPG KOTONG SA TANAY RIZAL

Magandang araw Ka Jerry HATAW. Sumbong q lng po. D2 sa Tanay, Rizal mga HPG HIGHWAY PATR0L CALABARZ0N B0DY NUMBER 4R ELEVEN lagi nanghhingi cla ng lagay sa mga biyaheng bundok ng Upland Brgy. 240 po ang isang buwan. Pag hndi nakapagbgay hinuhuli nla. Hndi lng ang mga byaheng bundok ang hinihingian nila marami pang iba. Sana po maaksiyonan nyo e2 at mabigyan pansin ang reklamo q. Maraming Slamat po at ‘wag n’yo nlang po ilantad ang pangalan q.

+63950546——

PAGING: PDEA

sir d2 sa Midland Plaza Adriatico sa room 5— ni JY labas pasok ang shabu. Alam ito ng mga guard at ng building administrator. Don’t publish my number.

+63949594 – – – –

ANO PINAKAIN NI ILLEGAL
TERMINAL OPERATOR KAY ERAP?

Sir Jerry, malakas daw talaga yan si burikak kay Mayor kaya hndi maalis illegal terminal sa Lawton. May isang malaking tao o kamaganak na binibigyan nya ng tongpats.

+63919833 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Dragon Lady Amor Virata

COS, JO employees hinimok ni PBBM, dapat kumuha  ng Civil Service exams

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAPAKAGANDA ng sinabi ni PBBM na huwag manatiling contractual …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *