Saturday , December 10 2022

Ligtas Tips ng FPJ’s Ang Probinsyano, malaking tulong sa publiko

MARAMING dahilan kung bakit nagtatagal at nananatiling top rated ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Unang-una, bawat episode ay may natututuhang aral ang mga bata. Pangalawa, updated ang mga ipinalalabas na mga kuwento na kasalukuyang nangyayari sa lipunan.

At para sa akin, napakahalaga ng kanilang Ligtas Tips na palaging pinaaalala ni Coco. Isang babala upang hindi tayo mabiktima ng sindikata, budol-budol at iba pang uri ng krimen at modus.

Sa lahat ng Ligtas Tips na na ibinahagi ni Coco, dapat  pakatutukan ng mga magulang ang tungkol sa party drugs na sinasabi na ang lugar ng kasiyahan ay pugad din ng mga droga at mga kawatan.

Ang mga paalala ni Coco, kung hindi talaga maiiwasang gumimik, tiyaking mahigpit ang seguridad sa lugar na gigimikan, siguraduhing may kasama ang inyong anak lalo na kung babae, alamin kung saan gigimik ang mga anak, at kung sino-sino ang mga kasama at contact numbers ng mga ito. Sa lugar ng gimikan huwag na huwag kang magpapakalasing dahil ikaw ang puntirya ng mga nagbibigay ng party drugs. Mag-ingat sa iniinom at kinakain mo kung may napansing kahina-hinala huwag ituloy ang pagkain at pag-inom. Huwag na huwag  ma-curious o ma-engganyo na gumamit ng party drugs. Kung may mapapansing palitan o bentahan ng party drugs, umalis agad at ipagbigay alam sa pulisya.

Puspusan ang kampanya ng bagong gobyerno para masawata at masugpo ang mga nagbebenta at nagpapakalat ng party drugs, may mga nahuli na at isa na nga rito si DJ Karen Bordador pero sa tingin ko, ice break pa lang ito. May mga party drugs pa rin na inilalako sa mga gimikan na pang mayaman dahil mayayaman lang naman ang may kayang bumili nito.

Saludo ako sa Ang Probinsyano at tiyak sa kanilang Ligtas Tips, maraming buhay ang naililigtas.

( TIMMY BASIL )

About Timmy Basil

Check Also

vhong navarro tanya bautista

Tanya masayang-masaya sa pansamantalang paglaya ni Vhong

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan. Nitong …

Alfred Vargas

Alfred Vargas, passion ang showbiz at paglilingkod sa bayan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKATATLONG termino bilang congressman ng District 5 ng Quezon City …

Blind Item, Male Celebrity

Newcomer nalungkot, P3,500 lang ang pay sa pagbubuyangyang

ni Ed de Leon FRUSTRATED ang isang new comer, kung ano-ano raw ang ipinagawa sa kanya sa …

Vilma Santos Roderick Paulate

Sitcom nina Ate Vi at Kuya Dick naunsyami; Commercial, pelikula nakapila na

HATAWANni Ed de Leon APEKTADO na naman ang schedule ng dapat sana ay haharaping trabaho …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo tinawag na cheap, na beastmode

MATABILni John Fontanilla HINDI nakapagtimpi at pinatulan na ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang netizen na inilarawan …

Leave a Reply