Thursday , December 1 2022

Grae Fernandez, okay maka-love team si Andrea Brillantes

NAKAHUNTAHAN namin ang guwapitong young actor na si Grae Fernandez sa ginanap na The PEP List Year-3 Awards Night. Dito’y kasama niya ang young actress na si Andrea Brillantes, kaya inusisa namin si Grae kung sila na ba ang susunod na pagtatambalin ng ABS CBN?

“Hindi ko pa po iyon masabi e. Bale, ngayon po kami magkasama dahil presentor kami rito,” saad ng young actor.

Paano kung gawin kayong maging love team ni Andrea?

Sagot ni Grae, “Okay lang po, kasi kaibigan ko naman siyang matalik kaya okay lang po kung pagtatambalin kami ni Andrea.”

Isa si Grae sa mga young actor na tinitilian ng maraming kabataan na kabilang sa sikat na grupong Gimme 5. Ang iba pang miyembro nito ay sina Nash Aguas, Joaquin Reyes, John Bermundo, at Brace Arquiza.

Ang huling project niya sa ABS CBN ay ang big hit na remake ng Pangako Sa ‘Yo na tinampukan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Ian Veneracion, at Jodi Sta. Maria. Ayon kay Grae, sa bandang November this year ay magkakaroon ulit siya ng teleserye sa Kapamilya Network.

“Sa November po ay magkakaroon ako ng teleserye. Pero wala pa pong mga detail about doon sa project,” nakangiting saad ng 14 year old na anak ni Mark Anthony Fernandez.

Ano ba ang gusto mong maging career path talaga, acting or singing?

“Acting po talaga ang gusto ko, iyon pong singing ay parang sa side lang iyon. Parang second craft ko na lang po ito. Nag-eenjoy naman ako sa aking career ngayon.”

Ano ang message mo sa fans ninyo?

“Siyempre po, maraming-maraming salamat po sa kanilang lahat, sa lahat ng fans namin at sana ay suportahan pa nila kami lalo, kaming lahat po.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Michelle Aldana

Michelle Aldana balik-South Africa na

I-FLEXni Jun Nardo BUMALIK na sa South Africa ang beauty queen-turned actress na si Michelle Aldana at …

Andrea Torres Rabiya Mateo Max Collins

Andrea, Rabiya, at Max umaariba ang career kahit sawi ang mga lovelife 

I-FLEXni Jun Nardo PUSONG-SAWI man pagdating sa kanya-kanyang lovelife, umaaribang career naman ang isinukli sa …

Blind Item, Men

Pipitsuging gay talent manager inilalako alaga sa mayayamang bading

ni Ed de Leon ANG totoo, hindi naman sa nakikialam kami sa raket ng iba, …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Leave a Reply