Wednesday , December 7 2022

DND naaalarma na

Naaalarma na ang Department of National Defense o DND sa pagdami ng Chinese vessels na naglalayag sa karagatan malapit sa Scarbo-rough shoal.

Ayon kay Chief Arsenio Andolong, kasalukuyang Chief ng DND public affairs office, nakababahala ito sapagkat may posibilidad na gumawa ng estruktura ang China sa shoal. Ang shoal ay kabilang sa ating exclusive economic zone.

Patuloy na magmo-monitor at magpapatrolya ang National Defense ngayon.

Matatandaang nitong nakaraang July, ibinasura ng Arbitration Court sa Hague ang pag aangkin ng China sa South China Sea, kabilang ang ilang teritoryo na nasa loob ng economic zone ng Filipinas.

CCTV SA BUREAU OF CUSTOMS

Kilala ang BOC na isa sa pinaka-corrupt na ahensiya sa ating bansa. Para simulan ang pagbabago at paglilinis sa pangalan ng BOC, ang kasalukuyang Commissioner na si Nicanor Faeldon ay nagpalagay ng 94 camera sa Bureau.

Ang 40 sa 94 na camera ay maaaring ma-access ng publiko, ito ay para makita nila nang live kung ano ang nangyayari sa loob at kung ano ang ginagawa ng mga empleyado sa oras ng kanilang trabaho.

Sa ngayon, 10 user palang ang puwedeng mag log in. Gamitin lamang ang username guest1 at ang password na 123.

Sa mga darating na araw, ipinangako ng BOC na gagana na ang lahat ng camera upang mas marami pa ang makapanood ng livestream ng ahensiya.

PAG-POSTPONE SA BARANGAY
AT SK ELECTIONS APPROVED NA!

Inaprubahan na ng House of Representatives ang pag-postpone sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections, na dapat sana ay gaganapin sa October 31.

Ang desisyon na ito ay sinusuportahan ni PRESDU30, sa pangamba na baka magamit ang pera mula sa droga sa pangangampanya ng mga tatakbo sa eleksiyon.

Ayon din kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ang pag-postpone sa Barangay at SK elections ay makapagbibigay na ng oras sa Kongreso upang makagawa ng batas, na tuluyang magtatanggal ng youth council at elective position ng Barangay kagawad.

BANTANG TERORISMO SA U-BELT

Simula Lunes, inulan na ng bomb scare ang Filipinas na nagsimula sa mga eskuwelahan na malalapit sa Palasyo ng Malcañang. Naging hi tech pa nga ang  mga pananakot, katulad nalang ng ginawa sa CEU na ipinadala ang pagbabanta gamit ang Facebook. Isang miyembro raw ng Abu Sayyaf ang nagpadala ng nasabing mensahe.

Maski ang aking hipag na residente sa San Miguel at may anak na nag-aaral sa U-belt ay lubos na natakot para sa seguridad ng aking pamangkin.

Sa awa ng Diyos, wala namang bombang sumabog.

Natanong ko lang ang aking sarili, paano kung tinotoo ang pagbabanta na pagbobomba? Sapat na ba ang lakas at mga salita ni PRESDU30 para mapigilan ito? Mahaharang ba ng mga panalangin natin ang mga pambobomba? O pag nangyari ulit ang pagbomba, at may mga namatay na naman na mga inosenteng tao, o may nadamay na mga kawawang kabataan, ang tangi na lang masasabi natin ay, “BAKA ORAS NA NILA.”

REGULAR HOLIDAY SA LUNES, SEPTEMBER 12.

Long weekends na naman po.

Regular Holiday po sa Lunes bilang respeto sa Eid’l Adha (Feast of Sacrifice). Ang Eid’l Adha ay isang napaka-importanteng araw para sa ating mga kapatid na Muslim.

Siguradong marami ang mamamasyal at magbabakasyon sa weekends na ito, pero magdoble ingat lang po tayo. Iwasan po muna nating pumunta sa matataong lugar. Hindi po natin masa-sabi kung magplaplano na naman ng pag-atake ang mga terorista.

***

Maraming salamat Mr. Boy Abunda sa napakagandang interview sa aking mahal na Ninang, na si Sylvia Sanchez Atayde. Maraming salamat din sa kasamahan kong si Reggee Bonoan sa write up ng naturang interview noong Miyerkoles.

Nakatutuwa na mabasa at mapanood na naibahagi ninyo sa publiko, na hindi lang siya isang magaling na artista, kung hindi, siya rin ay isang napakabuting asawa at ina.

MGA KUWENTO ni Mrs. Ox – Marnie Stephanie Sinfuego

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Rabies, isda, at bakuna

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. LABINLIMANG TAON na ang nakalipas nang, sa bisa ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Alulong ng mga detractors ni IG Triambulo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MISTULANG mga lobo na umuungol tuwing kabilugan ng buwan ang iilang …

Dragon Lady Amor Virata

Balik normal ang mga mandurukot

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SOBRANG GUTOM na nararanasan ng tao ngayon sa ating …

Sipat Mat Vicencio

Si Imee sa Maynila sa 2025

SIPATni Mat Vicencio MALAMANG na magbago ang mukha ng politika sa Maynila kung tuluyang hindi …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors pinalayas sa puwesto kapalit ng pay parking slot ng mga motorsiklo

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng maraming vendors dito sa Maynila matapos silang palayasin …

Leave a Reply