Marikina City Engineering Dep’t may abusadong empleyado kayo!

Diyan pala sa Marikina engineering office ay mayroong isang empleyado na magaling daw manghulidap!?

Isang Arthur Lloyd Cruz, ang inirereklamo sa inyong lingkod.

Ang tirada raw nitong si  Cruz ‘e magpakasipag sa pag-iinspeksiyon, by random, sa bawat barangay.

Kumbaga talagang gusto niyang manghuli.

Medyo nababagot na raw siguro at wala si-yang nakikitang nakakalat na basura sa Marikina.

Kaya kapag nakakita ng kahit isang lata lang ng coke ‘e  agad mag-iisyu ng tiket o multang P2,000.

Wattafak!?

Dinaig pa ni Cruz si dating MMDA chair Bayani Fernando sa kahigpitan?!

Sa panahon ni Fernando, mayroong first and second reprimand sa mga nahuhuling nagkakalat ng basura.

Sa ikatlong pagkakataon saka titiketan at pagmumultahin.

Pero itong si Cruz, tiket at multa agad sabay doon pinapupunta sa isang Ricky de Guzman.

Hindi natin alam kung sino naman itong si Mr. Ricky de Guzman. Pero gusto nating itanong, bata-bata ba niya ‘yang si Cruz, Mr. de Guzman?

Aba, malapit ka na rin madamay sa galit ng mga Mariqueño kay Cruz dahil pirming pangalan mo ang kanyang bitbit…

Kung hindi bukol ‘e baka sunog na sunog ka na sa mga Mariqueño.

Aksiyon Mr. de Guzman!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]

BULABUGIN – Jerry Yap