DoJ umaksiyon na sa illegal travel ni IO Pascua
Umaksiyon na ang DOJ tungkol sa napabalitang pagbiyahe sa Thailand at Vietnam ng isang Immigration Officer (IO) ALDWIN PASAWAY ‘este’ PASCUA nang walang bitbit na approved travel authority galing sa departamento.
Paktay kang bata ka!
Isang sulat ang umano’y na-received ng Bureau of Immigration-OCOM galing sa Administrative Service ng DOJ para i-endorse kay BI Commissioner Jaime Morente ang kaso ni IO Paksiw ‘este Pascua for appropriate action.
Sinabing kasama sa endorsement ang sandamakmak na ebidensiya na nagpapakita na talagang bumiyahe palabas ng bansa ang nasabing IO kaya for sure wala siyang kawala.
Laglag to the max nga, sabi ng BI employees!
Pero maraming nagtatanong, bakit nagdu-duty pa raw si IO Pascua kung under investigation na?
Hindi ba gaya ng iba, na kapag under investigation agad na ilalagay for 90 days preventive suspension?!
What took so long to do this?
Commissioner Bong Morente, Sir! Wala pa po kayo sa Bureau, marami nang reklamo ang natatanggap namin tungkol diyan kay IO Pascua.
I think it’s about time to teach this #*&*#% a lesson!!!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
