Wednesday , December 7 2022

Teri, naghamong sabay silang magpa-drug test ng isang bakla

HINAHAMON ni Teri Onor na sabay silang magpa-drug test ng isang baklang nagbiro at idinamay ang nananahimik niyang condo. May malisya kasi at parang nag-i-insinuate ang sinabing magpunta sa condo ni Teri ‘pag gustong pumayat. Alam niya kasi na negatibo ang magiging resulta ‘pag nagpa-drug test siya at gusto niyang isampal ang resulta sa KSP at estupidang baklita. Sisiguraduhin din niyang duduguin ang bakla ‘pag sinampal niya ito.

Ang gusto ni Teri ay mag-post at mag-apologize ang bakla sa Facebook dahil doon siya nang-urat. Kumbaga roon din niya tapusin ang isyu lalo’t maraming kababayan niya ang nakabasa. May pinangangalagaang pangalan si Teri at public official din siya para biruin siya ng mga kababawan na ganyan. Naalarma rin kasi ang mga kaibigan niyang nakabasa.

“Hindi lang naman ako showbiz, na komedyante, mayroon din akong posisyon. Baka mamaya… timing pa naman ‘yung isyu ngayon. ‘Di ba national issue ‘yun?,” sambit pa ni Teri.

Samantala,aminado ang komedyanteng si Teri na nami-miss niya ang showbiz  at hinahanap niya. ‘Pag may oras siya ay tumatanggap talaga ng project gaya na lang ng Nura at Velma Ngayon na pang-apat na beses nang ipinalalabas sa The Library sa Malate. May repeat na naman ito sa September 16 at sa September 29 na may buyer na o ibang producer para sa Nura at Velma Ngayon. Dadalhin din ito sa Dubai at UK.

Last term na pala ni Teri bilang Board  Member ng lalawigan ng Bataan kaya medyo maluwag na ang schedule niya. Isinisingit niya talaga ‘pag may time siya gaya kahapon sa Sunday Pinasaya na ini-impersonate naman niya si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Havey at panalo ang performance ni Teri sa Nura at Velma… Ngayon. Sobrang tawa  namin noong mapanood ito. Hindi naman sila pahuhuli sa version noon nina Allan K at Leonard Obal nuoong early 90’s.

Hindi kami makapag-move on na gumawa ng sariling dialogue si Teri (Nura) nang pagmalakihan siya ni Velma ng eksena at huling mainstream movie ni Vilma Santos na Everything About Her. Gumawa siya ng sarili niyang eksena at palusot niya coming soon pa lang ang mainstream movie ni Nora Aunor at nagso-shoot pa lang.

Si Allan K daw ang nag-suggest kay Teri na gawin niya ‘yung dati niyang show na Nura at Velma. Natutuwa naman siya na maganda ang feedback  sa nasabing show.

Pak Ganern!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply