Thursday , June 4 2026

Internal cleansing process sa QCPD

KAHANGA-HANGA ang ginawang paglilinis sa sariling bakuran  (internal Cleansing Process) ni Police  Senior Superintendent Guillermo Eleazar, QCPD Director.

Pag-upo niya bilang kumander ay agad niyang sinibak o binuwag  ang buong  anti-illegal team bilang unang hakbang para linisin niya ang bakuran ng QCPD.

Para sa paghahanda ng maigting na laban sa illegal drugs sa nasasakupan niya sa QC. At sumunod  dito,   ang paglalansag sa grupo na pinamumunuan ng isang dating opisyal na pulis na konektado sa ilegal na droga.

Ang kahanga-hanga sa ginawa ni Sr. superintendent Eleazar ay dapat gawin huwaran ng buong PNP.

Mabuhay ka  Senior Superintendent Guillermo Eleazar.

Gen. Galvante  panlaban
sa mga corrupt sa LTO

Isa si retired General Edgar Galvante, ayon sa aking ama na nag-cover ng Philippine Constabulary hanggang Philippine National Police for 38 years.

Si Gen. Galvante ay isa sa mga pinakamatino at magaling na PC at PNP officer.

***

Napakasipag ng Cavite Provincial Police Office under Senior Superintendent Arthur Bisnar, PMA class 1990.  Lalong matatag at masugid ang kampanya

Laban sa ilegal na droga at mga kriminal sa lalawigan ng Cavite.

Ang mga pulis  sa  Cavite ay makikita ngayon na nakaposte at alerto sila na handang sumaklolo sa publiko. Disiplinado  at sila ay gumaganap ng kanilang tungkulin nang walang takot  para saklolohan at protektahan ang mga mamamayan ng Cavite laban sa ilegal na droga at mga kriminal.

Welcome to Cavite, S/Supt Bisnar. Sasabihin ko sa ninong ko na magaling ka talaga.

CP Nos  at Birthdays

dapat ba isulat sa kolum?

Madalas kong mabasa sa mga nagkokolum lalo na sa mga tabloid, katulad ng  hataw na ang birthdays at cp nos., na puwedeng tawagan for comments and reactions (kuno).

Tama ba itong gawi ng isang manunulat na ilalathala niya sa kanyang kolum ang sarili niyang kaarawan na higit pa sa kaarawan ng dakilang bayani na si Dr. Jose Rizal?  O, may ibang ibig iparating na mensahe sila?

Isa pa ang gawi na isulat nila ang kanilang pakikipagsosyalan sa matataas na opisyal ng militar, ng pulis at ng ating gobyerno.

Ano ba ang ibig sabihin nito?

MGA KUWENTO NI MRS. OX – Marnie Stephanie Sinfuego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …